SAMELA AUBREY, kinoronahan bilang ‘Miss Culture International 2021’; ika-apat na nanalo sa taong ito
- Published on December 10, 2021
- by @peoplesbalita
MULING nagwagi ang Pilipinas sa isang international beauty pageant at ito ay mula sa Miss Culture International 2021.
Ang nag-uwi ng korona ay ang ating representative na si Samela Aubrey Menda Godin sa naturang pageant na ginanap sa Lyric Theater in Gold Reef City, South Africa.
Bukod sa main title, napanalunan din ni Godin ang Best National Costume awayd dahil sa Philippine-eagle inspired costume niya.
Ang mga naging runners-up ni Godin ay sina Miss Zimbabwe Pauline Deborah Marere (first princess) at Miss Lesotho Reatile Molefe (2nd princess).
Bago pinadala si Godin sa Miss Culture International, sumali siya sa Miss World Philippines 2021 at kinatawan niya ang Samar.
Kahit na may banta ng bagong COVID-19 variant na Omicron sa continent ng Africa, tinuloy pa rin ng organizers and naturang pageant na ayon sa kanilang website page ay: “An International fellowship of young focus and driven women with advocacy towards preserving and promoting their own culture and heritage.
“Miss Culture International Organization prioritizes the importance of culture and heritage of each nation, involving and empowering women in giving back to their respective communities and supporting their causes by providing international platforms and affiliations which would attain holistic development and transformation in the society.
“Our core in this organization is our beneficiaries in this entire event which are the Indigenous People of the Philippines and the students of different Elementary Public Schools in the Rural Communities.”
Pero mukhang matagal pa raw makakauwi ng Pilipinas si Godin para ma-share niya ang victory ng Pilipinas sa Miss Culture International dahil kanselado lahat ng flights palabas ng South Africa dahil markado ito bilang Red List Country dahil sa Omicron variant na nagmula roon.
Si Samela Aubrey Godin ay ang ikaapat na Pinay na nanalo ng korona sa international beauty pageant sa taong ito. Una ay si Alexandra Faith Garcia as Miss Aura International 2021. Pangalawa si Cinderalla Obeñita as Miss Intercontinental 2021. At pangatlo si Maureen Montagne as Miss Globe 2021.
Bigo naman mauwi ang korona nina Samantha Panlilio sa Miss Grand International, Dindi Pajares sa Miss Supranational at Naelah Alshorbaji sa Miss Earth.
Samantalang first runner-up si Kelley Day sa Miss Eco International pageant at third runner-up naman si Emmanuelle Vera sa Reina Hispanoamericana.
Ang sunod na aabangan ay ang paglaban ni Beatrice Luigi Gomez sa Miss Universe 2021 sa Israel at ni Tracy Maureen Perez sa Miss World 2021 sa Puerto Rico.
(RUEL J. MENDOZA)
-
O Melhor Cassino Electronic Apostas Esportivas Do Brasil ᐈ Pin-u
O Melhor Cassino Electronic Apostas Esportivas Do Brasil ᐈ Pin-up Pinup Cassino Online Aqui No Brasil Slots Licenciados Content Jogos Nas Mesas Sobre Cassino No Flag Up Solicite Seu Bônus De Boas-vindas Novo Caça – Níqueljuicy Com Fse Bônus Licença Perform Cassino Pin Up Brasil Solicite Seu Bônus De Boas-vindas Novo Jogo Ao Vivode Um Fornecedor Top […]
-
Target sa vaccination drive, ibinaba sa 9 milyon
Ibinaba sa 9 na milyon ang target na mabakunahan sa National Vaccination Days dahil sa kakulangan sa gamit partikular ng gagamiting karayom. Nauna rito, itinakda sa 15 milyon ang target na mabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Days na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Nagkaroon ng pagbabago sa […]
-
Pampublikong transportasyon may 70 porsiento na ang kapasidad ngayon
Sinimulan noong nakaraang Martes ang pagpapatupad ng 70 porsiento sa kapasidad ng mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya. Sa ilalim ng Memorandum Circular 2021-064 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga pampublikong tranportasyon tulad ng mga public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs) […]