San Beda sosolohin ang No. 2 spot
- Published on September 18, 2024
- by @peoplesbalita
ITUTULOY ng nagdedepensang San Beda University ang kanilang arangkada sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 100 men’s basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Sasagupain ng Red Lions ang Generals ngayong alas-2:30 ng hapon matapos ang salpukan ng Letran Knights at Arellano Chiefs sa alas-11 ng umaga.
Solo ng St. Benilde ang liderato bitbit ang 3-0 baraha sa itaas ng San Beda (2-1), Perpetual (2-1), San Sebastian (2-1), Mapua (2-1), Letran (1-1), EAC (1-2), Lyceum (1-2), Arellano (0-2) at Jose Rizal (0-3).
Tumipa ang Red Lions ng 85-75 panalo sa Stags, habang nakatikim ang Generals ng 55-77 kabiguan sa Blazers sa kanilang mga huling laro.
Sa nasabing tagumpay ng San Beda ay naglista si rookie guard Bryan Sajonia ng career-high 26 points bukod sa 8 rebounds, 4 assists, 2 steals at 1 block at may 21 markers si center Yukien Andrada tampok ang limang three-point shots.
Sa unang laro, ang ikalawang dikit na ratsada ang hangad ng Knights sa pakikipagtuos sa Chiefs.
Tinusok ng Letran ang 70-62 panalo sa Jose Rizal sa huling laro.
-
Nag-share ng heartfelt advice sa bagong Miss Universe PH: Payo ni CATRIONA kay AHTISA, enjoy the journey at dedmahin ang online pressure
NAG-SHARE naman si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng heartfelt advice para sa newly crowned Miss Universe Philippines na si Ahtisa Manalo of Quezon Province. “My advice is to really enjoy the journey. I just hope this next couple of months, she doesn’t allow ‘yung pressure, ‘yung noise sa social media to really distract her. “Sana […]
-
2 TULAK TIMBOG SA P170-K SHABU
Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang natimbog matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinawang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Pinuri ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek […]
-
Pinas, Italy inaasahang pag-uusapan na pagbutihin pa ang military cooperation – envoy
INAASAHAN na pag-uusapan ng Pilipinas at Italy ang pagpapalakas sa ugnayan sa pagtatanggol. Ito ang sinabi ni Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente kasunod ng pagdating ng Italian navy ship Francesco Morosini sa Maynila para sa isang “goodwill visit.” Sinabi ni Clemente, kapwa ginagawa ng dalawang panig ang makakaya nito […]