• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

San Miguel Beer liyamado sa 46th PBA Philippine Cup 2021 – Cone

SINIWALAT kamakalawa ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone na tuloy na ang pagbabalik-laro para sa Barangay Ginebra San Miguel ni Gregory William ‘Greg’ Slaughter sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup.

 

 

Gayunman, hinirit ng BGSM coach, na ang San Miguel Beer ang patok sa pagbabalik mula sa injuries nina six-time MVP June Mar Fajardo (kanang hita) at Terrence Romeo (kanang balikat) sa all-Pinoy conference sa darating na Abril 9.

 

 

Ayon sa kanya, lalo’ng pumuwersa pagkuha ng Beermen kay Christian Jaymar ‘CJ’ Perez mula sa Terrafirma sa six-player trade sa Dyip na naglagay ng dalawang bata sa nagkakaedad na core ni coach Leovino ‘Leo’ Austria.

 

 

“With San Miguel’s aging core – although that core is still incredibly strong – there was an obvious need to acquire youth. Now with Perez and Romeo, they have two guards that can help finish June Mar’s prolific career,” biulalas 63-year-old, two-time grand slam bench strategist.

 

 

Pinangwakas niyang samibit:  “They will pose  great challenges now and down the road. They continue to be the team to beat.”

 

 

Nasisiyahan rin ang tubong Oregon sapaglagda ng bagong kontrata ng nagbalik mula sa bakasyon noong isang taon na si Slaughter sa brigading alak. Napalakas rin aniya ang team sa pangkalahatan, lalo na sa gitna para sa pagtatanggol sa koronang nakamit noong Disyembre.

 

 

Nalagot ang anim na pananalasa ng Beermen sa import-less conference dahil nang sipain sa quarterfinals ng Meralco. (REC)

 

Other News
  • Covid-19 Saliva test inaasahang maaprubahan ng gobyerno

    Inaasahan ng Philippine Red Cross (PRC) na maaaprubahan na ng gobyerno ngayong linggo ang COVID-19 saliva test.   Sinabi ni Dr. Paulyn Ubial, head ng molecular laboratory ng PRC, na posibleng makuha nila ang approval sa paggamit ng saliva test mula sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) sa mga darating […]

  • Kaya false alarm ang tsikang buntis na: MAINE, napakaseksi at walang katiyan-tiyan sa launch ng ‘Pinoy Drop Ball’

      SINIPAT naming mabuti ang katawan ni Maine Mendoza sa ‘Pinoy Drop Ball’ event ng BingoPlus.   Napakaseksi ni Maine, walang katiyan-tiyan kaya walang katotohanan ang tsika na buntis na ito sa una nilang baby ni Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde.   Samantala, ayon mismo kay Maine ay pamilyar raw siya sa mga […]

  • Project 8 and Mentorque Come Together for Cinemalaya movie about grief and family, ‘Kono Basho’

    PROJECT 8 Projects and Mentorque Productions join forces to create ‘Kono Basho’ for this year’s Cinemalaya Independent Film Festival!         Project 8 Projects graced last year’s fest with Cinemalaya Audience Choice Award Rookie (2023) and Gawad Urian Best Film winner, Iti Mapukpukaw (2023). Beyond the film fest, they also produced well-awarded movies […]