Sana ako si Santa Klaus (2)
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
NASABI na po kahapon ng Opensa Depensa ang Christmas wishes para sa ilang sports officials at athletes natin sa unang labas ng serye ng pitak na ito dahil nga Pasko 2020 na sa Biyernes, Disyembre 25.
Kabilang sa una ko pong mga natalakay na gusto kong ipagkaloob sa kanila kung ako sana si Santa Klaus dahil Pasko naman ay sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president AbarahamTolentino;
Pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.
Gayundin sa mga national sports association (NSA) na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) pres. Philip Ella Juico, Gymnastics Association of the Philippines (GAP) pres. Cynthia Carrion-Norton, at Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) prexy Victorico Vargas.
Para po sa ikalawang batch:
Weightlifting Hidilyn Diaz – Hindi lang mag-qualify kundi magkamit ng gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa Hulyo 2020 sanhi ng pandemya, sa pang-apat at huli na niyang quadrennial sportsfest makaraang mag-silver sa 2016 Riode de Janeiro Olympics.
Mary Joy Tabal – Makapasa sa Olympic Qualifying women’s marathon para sa ikalawa niyang pagkatawan sa bansa sa 2020 Tokyo Games at suntok man sa buwan, nawa’y makamedalya para sa maaring graceful exit na sa national team ng pinakamagaling na lady marathoner natin sa kasaysayan ng event sa may 50 taon.
Christine Hallasgo – Mag-qualify sa Tokyo Olympics tapos palitan si Mary Joy Tabal bilang No. 1 lady marathoner ng ‘Pinas noong 2019.
National MILO Marathon – Makabalik sa 2021 para sa ika-44 na edisyon makaraang makansela ang 43rd edition sa taong ito sanhi ng Covid-19 ,at makatuklas ng tigasing lalaki na magbabalik sa bansa sa trono ng men’s division sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam.
Karateka Jamie Christine Lim – Makapasa rin sa Olympic Qualifying Tournament upang makapasok sa 2020 Japan Olympics. (REC)
-
Verified Nanunumbalik na pinagtawanan, nilait at hinusgahan ang anak: SYLVIA, proud na proud kay ARJO na isa ngayong Congressman
SA Instagram post ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez, proud na proud siya sa anak na si Arjo Atayde na nanalong Congressman sa District 1 ng Quezon City. Ibinahagi niya ang mahabang mensahe para award-winning actor, kalakip ang mga larawang kuha sa panunumpa nito. Panimula ni Sylvia, “Ang saya saya […]
-
Mapayapang BARMM polls, susi sa Mindanao Peace Process- PBBM
BINIGYANG -DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan para sa mapayapang pagdaraos ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na taon. Sinabi ni Pangulong Marcos, ang electoral process ang susi para sa kapayapaan sa Mindanao. Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang naging pagdalo […]
-
After nang kinagiliwang vlogs kasama si Borgy: Sen. IMEE, nakipag-bonding naman kay Atty. MICHAEL sa isang rare interview
ISA na namang bonggang linggo ng mga kapana-panabik na dalawang bagong vlogs ang hatid ni Senator Imee Marcos sa kanyang opisyal na YouTube channel na tiyak na kagigiliwan ng kanyang mga tagahanga. Una na rito, nagbigay-pugay si Sen. Imee sa kanyang ama at dating Pangulo na si Ferdinand Marcos Sr., bilang pagunita sa ika-33 […]