Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo itinalaga bilang bagong Supreme Court Justice
- Published on April 7, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang ulat na itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Supreme Court Justice.
“Sa ilang mga bagay, kinukumpirma ng Palasyo na pinirmahan na po ng Presidente ang appointment ni dating Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Aniya, hindi na bago si Chief Justice Gesmundo sa hudikatura na kanyang pinagsilbihan ng maraming taon bilang Associate Justice ng Kataas-Taasang Hukuman at bilang Associate Justice ng Sandiganbayan.
Dahil dito aniya ay tiwala ang Malakanyang na maipagpapatuloy ni Gesmundo bilang Punong Mahistrado na i-uphold ang judicial excellence at independence, pairalin ang rule of law at pangunahan ang mga reporma para itaguyod ang integridad at propesyonalismo sa hudikatura.
‘Congratulations Chief Justice Gesmundo,” pahatid bati ni Sec. Roque
Sa kabilang dako, papalitan ni Gesmundo si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na nalalapit nang magetiro ngayong katapusan ng Marso.
Nakatakdang magretiro si Peralta sa kaniyang ika-69 kaarawan sa Marso 27, mas maaga ng isang taon sa kaniyang mandatory retirement age para sa mga huwes at mahistrado.
Sa ulat, bumaba sa tatlo na lamang ang pagpipilian bilang mga kandidato na hahalili kay Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa nalalapit niyang pagreretiro ngayong katapusan ng Marso.
Natira bilang mga nalalabing kandidato para mamuno sa pinakamataas na korte sa bansa sina Justices Estela Perlas Bernabe, Alexander Gesmundo at Ramon Paul Hernando, ayon kay SC S pokesperson Brian Keith Hosaka.
Nabatid na ang tatlo lamang ang nakakumpleto ng mga requirements para sa aplikasyon bago matapos ang palugit nitong nakalipas na Pebrero 26 na itinakda ng Judicial and Bar Council (JBC).
Si Gesmundo at Hernando ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SC noong Agosto 2017 at Oktubre 2018, ayon sa pagkakasunod. Si Bernabe na siyang pinaka-senior sa tatlo ay itinalaga ni dating Pangulong Benigno Aquino III noon pang Setyembre 2011.
Isinagawa ang ‘public interview’ sa tatlong aplikante nitong Marso 10.
-
Panalo ni BBM tiniyak ng political families
NAGSANIB-puwersa ang mga kinikilalang political families sa lalawigan ng Leyte upang tiyakin ang panalo ni presidential bet Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr. at ng UniTeam Alliance sa darating na halalan sa Mayo. Sa pagbisita ng UniTeam sa Ormoc City noong Sabado, nagkaisa ang maiimpluwensyang angkan na ibuhos ang suporta kay Marcos na tinaguriang […]
-
LATEST PHOTOS THAT ARE MUST-SEE SCENES IN CINEMAS IN CHRISTOPHER NOLAN’S MOST AMBITIOUS FILM TO-DATE “OPPENHEIMER” (PART 1)
Universal Pictures has just released the latest photos of Christopher Nolan’s latest epic film “Oppenheimer” that will open in cinemas (PH) nationwide on July 19. The photos are so stunning that one can’t help but get excited on how it will finally roll in cinemas! But first let’s meet the characters of […]
-
Summer Reading Camp 2024, muling inilunsad sa Valenzuela
MULING inilunsad ni Mayor WES Gatchalian, sa pakikipagtulungan sa Synergeia Foundation at Department of Education (DeEd)-Valenzuela, ang Valenzuela Summer Reading Camp 2024 sa Pio Valenzuela Elementary School at Canumay West Elementary School, Miyerkules ng umaga, July 10, 2024. Ayon kay Mayor WES, aabot sa 1,246 na mga estudyante sa Grade 3 […]