• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sangkot sa notorious na ‘5-6’ lending business, arestado

Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga illegal alien sa bansa kasunod ng pagkakahuli ng limang Indian nationals na iligal na naninirahan sa bansa.

 

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang mga banyaga ay naaresto sa Davao City sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng BI Intelligence Division Mindanao Task Group (MTG) na pinangunahan ni Intelligence Officer Melody Gonzales.

 

Ang mga suspek ay kinilalang sina Darshna Devi, Gurbhej Singh Toor, Lovepreet Singh Waring, Amarjit Singh Toor at Sukhmander Singh.

 

Ang limang suspek na naninirahan sa Brgy. Cabantian, Buhangin, Davao City ay bigo raw magprisinta ng kanilang dokumento na legal residence ang mga ito sa bansa.

 

Ayon kay Morente, nag-isyu ng mission order ang BI matapos makatanggap ang Immigration ng reklamo sa mga residente ng Davao City dahil sangkot ang mga Indians na mas kilalang Bumbay sa notorious na “5-6” lending business o pagpapautang nang may interest 20 percent.

 

Nakapiit na ang mga suspek sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportation. (Daris Jose)

Other News
  • Obiena handang harapin ang PATAFA sa korte

    MANILA, Philippines — Imbes na maduwag ay buong tapang na haharapin ni national pole vaulter Ernest John Obiena ang mga ibinatong isyu sa kanya ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).     Sa isang Facebook post ay sinabi ni Obiena na hahayaan niya ang kanyang legal team na ipagtanggol siya sa mga akusasyon […]

  • Renewal of vows isasabay sa birthday niya: HEART, handa nang magkaroon ng sariling anak

    SA halip na isang bonggang birthday bash pala ay isang renewal of vows ang magiging selebrasyon ni Heart Evangelista sa Pebrero 14.     Sa sosyal na Balesin Island gaganapin ang double celebration na isang intimate na ganap at piling family members at friends lamang ang imbitado.     Lahad ni Heart, “This time around my […]

  • Operasyon ng ABS-CBN, tuloy kahit mapaso ang prangkisa – NTC

    Binigyang katiyakan ng National Telecommunications Commission (NTC) na makakapag-operate ang TV Giant ABS-CBN kahit pa man mapaso na sa Mayo 4, 2020 ang kanilang legislatve franchise.   Ang pagtiyak ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa mga mambabatas sa isinagawang pulong ng House Committee on Legislative Franchises kung saan inilatag ang magiging ground rules sa pagdinig […]