• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sangkot sa notorious na ‘5-6’ lending business, arestado

Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga illegal alien sa bansa kasunod ng pagkakahuli ng limang Indian nationals na iligal na naninirahan sa bansa.

 

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang mga banyaga ay naaresto sa Davao City sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng BI Intelligence Division Mindanao Task Group (MTG) na pinangunahan ni Intelligence Officer Melody Gonzales.

 

Ang mga suspek ay kinilalang sina Darshna Devi, Gurbhej Singh Toor, Lovepreet Singh Waring, Amarjit Singh Toor at Sukhmander Singh.

 

Ang limang suspek na naninirahan sa Brgy. Cabantian, Buhangin, Davao City ay bigo raw magprisinta ng kanilang dokumento na legal residence ang mga ito sa bansa.

 

Ayon kay Morente, nag-isyu ng mission order ang BI matapos makatanggap ang Immigration ng reklamo sa mga residente ng Davao City dahil sangkot ang mga Indians na mas kilalang Bumbay sa notorious na “5-6” lending business o pagpapautang nang may interest 20 percent.

 

Nakapiit na ang mga suspek sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportation. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 9, 2021

  • Mag-iina arestado sa P4-milyong shabu

    ISANG 65-anyos na lola at kanyang anak na lalaki ang arestado matapos makumpiskahan ng nasa P4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Taya Sulong, 65, at Abdul Sulong, […]

  • ESTUDYANTE, 2 BUSINESSMAN KULONG SA P251-K SHABU

    KALABOSO ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na estudyante at dalawang businessman matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city.   Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-2:15 ng madaling araw nang isagawa ng mga […]