• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sangkot sa pastillas scheme pinakakasuhan

PINAKAKASUHAN na ng NBI Special Action Unit (NBI-SAU) sa Office of the Ombudsman ng kasong administratibo at criminal ang 86 personalidad na sangkot sa umanoy ‘Pastillas Scheme’.

 

Sa 27 pahinang reklamo ng NBI-SAU na inihain sa Ombudsman, pinangalanan ang mga matataas na opisyal ng Bureau of Immigration na bahagi umano sa ‘Pastillas group’ at na-tag ang dating Division Chief of Port Operations Division na si Marc Red MarinÞas, Immigration Officer 2, bilang mastermind.

 

Dawit din umano ang lahat ng mga terminal head ng terminal Control and Enforcement Unit sa NAIA 1,2 at 3 at ang over-all head ng BI Border Control and Intelligence Unit bilang bahagi ng sinasabing umanoy sindikato.

 

Sinabi ni NBI SAU chief Atty. Jun Donggallo Jr. na ang kaso laban sa 86 personalidad ay napagtibay sa mga rebelasyong ginawa at ebidensya na ibinigay ng pangalawang whistleblower na si Immigration Officer Dale Ignacio.

 

Sinabi ni Donggalo na si Ignacio ay nagsilbing “insider” at ginagampanan ang isang mahalagang papel bilang tagabantay ng mga listahan ng mga Chinese nationals na pinaburan ng grupo.

 

Kinumpirma rin ni Ignacio ang mga rebelasyong ibinahagi naman ng unang whistleblower na si Immigration Officer Allison Chiong.

 

Hiniling naman ng NBI sa Ombudsman na alisin si Ignacio sa listahan ng sasampahan ng kasong kriminal sa Ombudsman at sa halip ay magamit ito bilang state witness.

 

Sa panig naman ng BI, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na hindi pa nila natatanggap ang reklamo gayunman agad umanong tatanggalin ang nasabing mga opisyal mula sa kanilang puwesto kung hindi pa sila na-relieve.

 

Ang BI ang nagpapatupad ng “one strike policy” laban sa mga tiwaling tauhan nito.

 

Sinabi naman ni NBI Director Eric Distor na hahabolin nila ang natitira pang miyembro ng Pastillas group kabilang ang mga pribadong indibidwal, travel agencies at posibleng protektor ng ‘Pastillas Scheme’. (Gene Adsuara)

Other News
  • Canelo Alvarez humirit ng rematch kay Dmitry Bivol

    HUMIRIT  agad ng rematch si Mexican boxer Canelo Alvarez matapos na talunin siya ni Dmitry Bivol ng Russia.     Nakuha kasi ni Bivol ang unanimous decision sa kanilang light heavyweight title figh ni Alvarez na ginanap sa Las Vegas.     Sa simula ng laban ay determinado ang 31-anyos na Russian boxer na manalo […]

  • DEPRESYON AY KAMATAYAN

    NITONG nakalipas na linggo, halos sunud-sunod ang naiulat na kaso ng pagpapakamatay na kabilang sa pinakahuling naitala ay ang estudyanteng lalaki na tumalon mula sa pinakatuktok ng gusali ng isang city hall.   Tulad ng inaasahan, mabilis na kumalat ang balita sa pamamagitan ng social media kung saan bukod sa mga larawan ay may video […]

  • PBBM, ipinag-utos sa NIA na lawakan ang irrigation coverage sa Occidental Mindoro

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Irrigation Administration (NIA) na maglagay ng irrigation systems na sasaklaw ang ilang munisipalidad sa Occidental, Mindoro, partikular na sa mga bayan ng San Jose at Magsaysay para palakasin ang agricultural production.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng iba’t ibang government assistance […]