Sangley Airport muling sasailalim sa bidding
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
Gustong muling buksan ng provincial government ng Cavite ang bidding ng proyektong Sangley Point International Airport (SPIA) sa mga interestadong kumpanya matapos na terminuhin ang nasabing airport deal.
Ang SPIA ay dati pa na binigay ang airport deal sa kumpanya ni Lucio Tan na MacroAsia Corp. at ang China Communications Construction Co. Ltd (CCCC)
“The Cavite provincial government special selection committee has recommended the non-approval of the redevelopment of the former airbase due to the various deficiencies of the submission of requirements to conclude the joint venture agreement for the SPIA project,” wika ni Cavite Gov. Jonvic Remulla.
Kinumpirma naman ng MacroAsia na kanilang natanggap ang isang sulat mula sa provincial government ng Cavite na nagsasabing dahil sa rekomendasyon ng public-private partnership selection committee, ang kanilang notice of selection at award para sa SPIA project na binigay noong Feb. 12, 2020 ay kinakansela na.
Tatlong beses ng binigyan ng extensions ang MacroAsia at CCCC ng Cavite provincial government upang kumpletuhin ang kanilang mga requirements dahil sa konsiderasyon na may pandemic.
“While negotiations with the MacroAsia-CCCC team have been cancelled, the project would restart and hopefully have a successful negotiation with any qualified partner. A new international airport is important for the country in the long run, that the cancellation is not in prejudice of anyone applying again,” dagdag ni Remulla.
Ang iba pa na mga kumpanya na bumili ng bid documents para sa SPIA noong 2019 ay ang Prime Asset Ventures Inc., Philippine Airport Ground Solutions Inc. at Langham Properties Inc.
Subalit ang MacroAsia-CCCC tandem lamang ang nagsumite ng nag-iisang bidder para sa SPIA.
Bumili rin ng bid documents ang Metro Pacific Investments Corp (MPIC) para sa SPIA subalit hindi nila sinumite ang kanilang actual bid.
Ang proyektong SPIA ay pinangangasiwaan ng Cavite government sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) program na hindi na kailangan ang approval ng National Economic and Development Authority (NEDA) para sa implementasyon ng nasabing airport project.
Dahil sa cancellation, mabibigyan ng pagkakataon ang ibang mga tycoons at dating NAIA aspirants na magsama-sama para sa malaking proyektong ito.
Ang dating NAIA consortium na nag bid para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nagsabi naman na kanila munang kukunsultahin ang ibang orihinal na miyembro ng dating NAIA consortium kung lalahok sila sa bidding ng SPIA. (LASACMAR)
-
Overseas absentee voting larga na
UMARANGKADA na kamakalawa ang ‘overseas absentee voting’ para sa Halalan 2022 na inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na sasamantalahin ng mahigit 1.6 milyong nakarehistrong botante. Sa ilalim ng Overseas Absentee Voting Act, ang mga rehistradong botante sa abroad ay pipili ng presidente, bise-presidente, mga senador at party-list groups. Ayon sa […]
-
Mahigit 100,000 katao sa US kasalukuyang na-admit sa hospital dahil sa Omicron variant
Pinalawak pa ng US Food and Drug Administration ang otorisasyon sa paggamit ng emergency para sa mga nagpapalakas ng bakuna sa COVID-19 ng Pfizer sa mga batang edad 12 hanggang 15-anyos. Sinabi ni Dr. Peter Hotez, dean ng National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine na ang mga bata ang […]
-
Happy na part ng pagiging Senador ni Robin: VINA, inalok din na mag-konsehal pero ’di sineryoso
PAHINGA raw muna ang puso ngayon ni Vina Morales. Ayon sa actress/singer, “Relaxed lang, steady lang naman yung aking puso. I’m okay, I’m okay, I’m happy with whatever… kung ano’ng nasa position ko ngayon.” Banggit pa namin kay Vina, kapansin-pansin na wala na siyang post tungkol sa kanila ng foreigner na si Andrew […]