Sanhi ng gas explosion sa construction site sa Taguig iniimbestigahan pa – BFP
- Published on August 13, 2021
- by @peoplesbalita
Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng gas leak o gas explosion sa isang construction site sa harap ng Akari Building sa may bahagi ng 21st Drive sa BGC, Taguig kagabi.
Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng gas leak o gas explosion sa isang construction site sa harap ng Akari Building sa may bahagi ng 21st Drive sa BGC, Taguig kagabi.
Kinumpirma rin ng BFP-NCR na isang 35-anyos na lalaki ang nagtamo ng 3rd degree burns sa nangyaring pagsabog.
Alas-7:30 kagabi ng ilagay sa first alam ang nangyaring sunog at bandang alas-9:35 ng gabi ng ideklarang fire out ng Bureau of Fire Protection.
Ayon kay Fire Supt. Bernard Rosete, posible ang naging sanhi ng sunog ay ang damaged gas pipe sa construction site.
Sinabi ni Rosete na may nagdi-drill umano at may tinamaan na pipeline, naiwan ang drilling machine at dito na nagliyab.
Dagdag pa ni Rosete patuloy pa nilang inaalam ang totoong sanhi ng sunog at pagsabog.
Paalala naman ni Rosete sa mga developers na magkaroon ng mga fire extinguishers sa mga construction sites para maiwasan na magkaroon ng kahalintulad na insidente.
Dagdag pa ng opisyal dapat alam din ng mga workers kung ano ang naroroon sa construction site at dapat nakikita ang mga plano lalo na kung saan naka linya ang mga pipe ng LPG.
Tinatayang aabot sa mahigit P200,000 ang danyos sa nasabing sunog.
Ang nasabing lugar ay malayo sa residential buildings dahilan para hindi na kailangang i-evacuate ang mga residente.
Ayon sa report ng BFP, ang pasyente na nagtamo ng 3rd degree burns sa kaniyang mukha, upper at lower extremities ay nakilalang si Melchor Dela Cruz.
Ayon naman sa isang residente na nakatira sa kalapit na condominium nakarinig sila ng napakalakas na pagsabog at ng kanilang tignan sa bintana isang napakalaking sunog ang tumambad sa kanila mula sa construction site.
Kasalukuyang suspendido ang trabaho sa construction site habang ongoing ang investigation.
-
Christian Bale Reveals Surprising Influences For His Villain, Gorr In ‘Thor: Love & Thunder’
CHRISTIAN Bale reveals the surprising influences behind his villain, Gorr the God Butcher, in Thor: Love and Thunder. After first being introduced in 2011’s Thor, Chris Hemsworth’s titular God of Thunder would go on to star in two additional solo films as well as a number of Avengers team-up movies. Thor: Love and […]
-
Antibody testing sa NBA, ipatutupad
Upang masiguro na walang palpak sa ginagawang coronavirus testing, idinagdag ng National Basketball Association (NBA) sa kanilang mahigpit na health protocols ang antibody testing bago muling magsimula ang liga. Ayon sa NBA, ang dead coronavirus cells ay made-detect din sa COVID-19 testing at maglalabas ito ng positive result dahilan para hindi paglaruin ang isang […]
-
Bakuna sa COVID-19 na galing US at Europa, nakakuha ng pinakamataas na confidence rate
TINATAYANG 75% ang nagsasabing kumpiyansa sila sa bakunang manggagaling sa United States at Europa. Ito ang naging pahayag ni dating DOH secretary at health expert na si Dra. Esperanza Cabral batay na rin sa survey na isinagawa ng UST COVAX Research Group. Batay sa inilahad ni Esperanza na survey, lumalabas na wala pa […]