• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Santos, katropa may tampururot kay Austria

KLINARO Ni Leovino ‘Leo’ Austria ang ikinatatampo sa kanya ng San Miguel Beer players.

 

“Nagtatampo sila sa akin ‘yung players dahil sinasabi ko raw na matatanda na sila,” bulalas ng eight-time SMB champion coach sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

“Wala naman akong sinabing ganu’n. Ang sabi ko lang we’re not getting any younger so we have to have some backups dito sa mga veteran. Ang lumabas, mag-re-revamp ako kasi matatanda na.”

 

Pinasinungalingan ni Austria ang mga sumusulpot na report na may napipintong balasahan sa Beermen dahil sumala silang depensahan ang Philippine Cup crown sa 45th PBA bubble sa Angeles, Pampanga.

 

Quarters lang ang inabot ng serbesa.

 

Idinagdag ng 62-taong-gulang, may taas na 5-10 at tubong Sariaya, Quezon bench tactician na pareho pa rin ang starting five niya sa parating na taon kabibilangan nina Arwind Santos, Christopher Ross, Marcio Lassiter at Alexander Cabagnot Jr. na mga 33-anyos na pataas.

 

Matatawag na rin spring chicken ang panlimang si June Mar Fajardo na nag-31 nitong Nobyembre.

 

Nakatakda na ring mag-32-anyos sa na rin si Moala Tautuaa, ang humalili muna sa nagpagaling sa injury na si Fajardo sa bubble.

 

“Ang sabi ko, core ko pa rin. Sila ang nakakakuha ng 35 minutes per game,” wakas na paglilinaw ng four-time Coach of the Year ng PBA Press Corps. “Ang kailangan ko second unit, third unit, para hindi naman masunog ang first five ko.”

 

Ang apat ang mga nagdaramdam kay Austria.

 

Dalangin ng Opensa depensa na sana maayos agad ang hindi pagkakaunawaang ito para hindi na lumaki.

 

Magpa-Pasko na. (REC)

Other News
  • 30-M washable facemasks ipapamahagi sa mga nasalanta ng kalamidad – DTI

    Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na mamimigay sila ng 30 milyong washable face masks para sa mga nasalanta ng bagyong upang maprotektahan ang mga ito mula sa banta ng coronavirus disease.   Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, sinimulan na nila ang pamimigay ng mga facemasks katuwang ang Office of Civil Defense. […]

  • Janella, walang dudang ‘preggy’ ayon sa netizens

    NITONG Martes ng hapon ay nag-Kumu sina at Markus Paterson at Janella Salvador na kaagad nag-trending dahil napansin ng mga nakapanood ang malaking pagbabago sa mukha at batok ng aktres na isa sa palantadaan daw ng pabubuntis.   “Will see you guys maybe in 7 weeks,” ito ang huling pahayag ni Markus sa Kumu livestream […]

  • Nakipagpulong din sa mga Chinese delegates: Sen. IMEE, personal na namahagi ng tulong sa Dingalan at Polillo Island

    I-TAG kasama si Senator Imee Marcos sa kanyang newest vlog entries na kung saan ang kanyang ‘ImeeSolusyon’ ay nagbigay ng kinakailangang tulong sa mga biktima ng super typhoon Karding.     Bumisita si Senator Imee sa munisipalidad ng Dingalan, sa lalawigan ng Aurora, at sa Polillo Island sa Quezon para personal na ipamahagi ang mga […]