Santos, Lassiter bak-ap hinahanap ni Austria
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG pili o pick ang San Miguel Beer sa 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa darating na Marso.
Kaya hahagilap ng ibang paraan si Leovino Austria para pasakan ang vacuum ng Beermen sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9.
Isang malaking babak-ap kay Arwind Santos sa No. 4 para makumpleto ang 10 rotation, isa ring kahalili ni Marcio Lassiter sa 3 o 2 ang puntirya ng SMB coach.
Sa Pampanga bubble ng 45th PBA 2020 Philippine Cup nitong Oktubre 11-Disyembre 9, siyam lang ang nasa rotation ni Austria. No. 4 ang Beermen pagkatapos ng elimination round, pero dalawang beses kiuryente ng Meralco sa quarterfinals.
Si Moala Tautuaa ang pumalit kay June Mar Fajardo sa sentro na nagpagaling sa shin unjury. Wala rin sa bubble si Matt Rosser na mas pinili ang opt out, at napaaga namang napaekssit si Terrence Romeo bunsod ng dislocated shoulder.
Wala sa guni-guni ni Austria na ibahin na ang core ng kanyang starting five kina Alexaner Cabagnot, Jr., Christopher Ross, Fajardo, Santos at Lassiter.
Dahil wala ngang pick, maaring mangahoy ng available big ang Beermen sa free agency.
Makakabalik na si Fajardo sa susunod na season.
At may tagubilin ang six-time MVP sa kanyang coach.
“Ang sabi niya sa akin after our conference ended, ‘Pahinga ka lang, huwag mong isipin ‘yan. Bawi tayo next year,’” wakas na pahayag ni Austria. “So that means na confident siya.”(REC)
-
Kamara tuloy ang laban kontra hoarders, price manipulators
Magpapatuloy ang Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagtugis sa mga hoarder at price manipulator. Kasunod na rin ito sa ulat na bumaba ng hanggang P10 ang kada kilo ng sibuyas. Pinuri naman ni Deputy Majority Leader Rep. David Suarez (Quezon Province), isa sa mga lider ng House committee on […]
-
Ads February 22, 2021
-
Villaramor, Uratex puntirya pang-2 korona sa WNBL 3×3
TARGET ng Uratex Dream na binubuo nina Alyssa Villamor, Kaye Pingol, Tina Deacon at Angel Anies ang pangalawang sunod na korona. Sa pagsiklab ito ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2022 3×3 second leg na sasalihan ng 10 koponan at nakatakdang drumibol umpisa sa Pebrero 26 sa Hoopla Gym ng Angelis Resort […]