SANYA, masuwerteng napili bilang kapalit ni MARIAN
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
SI Sanya Lopez nga ang napili ng GMA Network bilang kapalit ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, after nitong tanggihan ang teleseryeng First Yaya na pagtatambal sana nila ni Gabby Concepcion.
Dahil sa pandemya, wala ngang nagawa si Marian kundi mag-beg off na lang ang serye na aminadong gustung-gusto niyang gawin.
Pero dahil nga kina Zia at Ziggy, mas pinili talaga niya na ‘wag munang bumalik sa paggawa ng teleserye para na rin sa safety ng pamilya nila ni Dingdong Dantes.
For sure, may iba pang aktres na pinagpilian, pero napakasuwerte ni Sanya na siya ang napili ng Kapuso Network at naganap ang big announcement noong Lunes sa 24 Oras at dahil sa kaganapang ito mas tataas na ang level niya bilang Kapuso actress.
Una ngang nai-launch si Sanya sa Encantadia bilang Sang’gre Danaya na kung saan nakasama niya si Marian na gumanap na Ynang Reyna Minea.
Sa apat na Sang’gre na napili si Sanya talaga ang pinakabago at inintriga pa kung karapat- dapat ba ito sa role.
Mukhang hindi naman nagkamali ang GMA, dahil napatunayan ni Sanya ang husay niya sa pag-arte pati na rin kaseksihan na puwedeng ihanay kay Marian.
Sa katunayan siya ang napili ng San Miguel Corp. para maging 2020 Ginebra San Miguel calendar girl.
Excited at kinakabahan na si Sanya na maging bagong leading lady ni Gabby na gaganap na Vice President at magiging President ng Pilipinas at siya nga ang gaganap na ‘yaya’ para sa mga anak ng presidente.
Tampok din sa serye sina Pancho Magno, Cassy Legaspi at Ms. Pilar Pilapil. Ang First Yaya ay sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos. (ROHN ROMULO)
-
Mother-in-law na si Sylvia, pinupuri ng mga netizen: MAINE, binigyan ng bonggang bridal shower ng pamilya Atayde
IBINAHAGI ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account ang pajama party na inihanda para sa bridal shower ng future daughter-in-law na si Maine Mendoza na ikakasal na sa panganay na anak na si Congressman Arjo Atayde. Naganap ang party noong Linggo ng gabi, July 23, 2023. Kasama […]
-
PBBM, inaasahan na pipirmahan ang 2025 budget bago mag-Pasko —PLLO
INAASAHAN na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang P6.352 trillion national budget para sa fiscal year 2025 bago ang araw ng Pasko. ”Yes, kasama… kasama na ‘yung sa budget. Siguro ano, before Christmas,” ayon kay Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Mark Leandro Mendoza nang tanungin ukol sa inaasahang petsa […]
-
Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas
TINATAYANG nasa pitong pamilya ang nawala ng tahanan matapos sumiklab ang isang sunog sa Navotas City. Nabatid na sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa A. Santiago St. Brgy. Sipac at mabilis na kumalat apoy kaya kaagad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer […]