Sara Duterte nagpaabot ng pasasalamat sa mga supporters habang inaantay ang proklamasyon
- Published on May 13, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAABOT nang pasasalamat ang vice presidential frontrunner na si Davao Mayor Sara Duterte sa isang miyembro ng partido na nag-substitute sa kanya ilang araw bago ang pagtatapos noong nakaraang taon sa filing ng certificate of candidacy (COC) sa kanyang vice presidential bid.
Espesyal na pinasalamatan ng presidential daughter si Lakas-CMD member Lyle Uy dahil sa pagtanggap sa hamon na maging kandadito muna ng partido.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo Philippines sa tagapagsalita ni Mayor Sara na si Liloan, Cebu Mayor Christina Garcia Frasco, iniulat nito na sinamahan niya ang susunod na pangalawang pangulo sa pagtungo sa Metro Manila upang magpasalamat sa mga malalapit na supporters.
Sa ngayon aniya ay inaantay pa ni Mayor Sara ang pormal na proklamasyon na sana mangyari na raw sa lalong madaling panahon. (Daris Jose)
-
Gilas, sa Qatar na tutungo para sa February window ng FIBA qualifiers
Idaraos na sa Doha, Qatar ang mga laro ng Gilas Pilipinas para sa ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifier. Kung maaalala, napilitan ang Pilipinas na umatras sa hosting ng mga laro ng Group A at C sa Clark, Pampanga dahil sa travel ban na ipinataw ng pamahalaan. […]
-
Ads March 16, 2023
adsmar_162023
-
3 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela
PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Distura Jr sa matagumpay na manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong most wanted persons sa loob lamang ng isang araw. Ani Col. Destura, alinsunod sa kampanya […]