• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sasali pa rin kahit gumaganda na ang showbiz career: HERLENE, patuloy na isusulong ang pagta-Tagalog sa mga pageants

SOLID DongYan fan ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake kaya naman hindi kataka-taka na napaiyak siya noong makita at makaharap niya ng personal sa isang event ang magandang misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera.

 

 

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay ikinuwento ni Zeinab na lahat ng projects ng mag-asawa, tulad ng “Marimar”, ay napanood niya.

 

 

At nang makita niya si Marian sa unang pagkakataon nang personal sa isang event, sinabi ni Zeinab na hindi niya napigilan na maiyak.

 

 

“Kasi parang nananaginip ako na isang batang naglalaro lang ng ‘Marimar’ dati sa trisikelan ngayon makakaharap yung idol niya,” sinabi pa ng vlogger.

 

 

Nang tanungin ni Tito Boy si Zeinab kung ano ang una niyang nasabi kay Marian, tugon niya…

 

 

“Sobrang ganda. Iyon yung una mong sasabihin sa kaniya. Kahit sino namang kausap niya pagtingin mo, ‘Ay! ang ganda ni mama may spotlight ang mukha.’

 

 

“Ang ganda talaga ni Ate ‘Yan.

 

 

“At hindi lang sa mukha [maganda], puso niya gustong-gusto ko.”

 

 

Kaya naman natutuwa niya na nagiging kaibigan na niya ang kaniyang idolo.

 

 

Samantala ay sumasailalim na si Zeinab sa acting workshop dahil mag-aartista na siya.

 

 

***

 

 

AMINADO si Herlene Budol na kabado siya sa pagpasok sa pageant.

 

 

Nadoble pa ang kanyang nerbiyos dahil nakatakda na ring magsimula ngayong Lunes, June 26, ang bago niyang GMA Afternoon Prime series na ‘Magandang Dilag’.

 

 

“‘Yung kaba na ‘yun, ‘yun ‘yung magpapapursigi pa sa ‘yo ng mas sobra-sobra dahil hindi ka nagiging petiks, hindi ka nagiging kalmado. Ibig sabihin, gigil ka sa lahat ng ginagawa mo,” pahayag ni Herlene.

 

 

Excited na rin daw siyang mapanood ng mga Kapuso ang serye dahil sigurado siyang maraming makaka-relate rito.

 

 

“Sobrang ganda noong kuwento. Hindi naman nakakalayo sa kung ano ‘yung mga na experience ko sa buhay. Ang ganda noong story na hindi ko akalain na mangyayari at magagawa ko po ng tama.

 

 

“As Gigi Robles naman po, wala po siyang pinagkaiba as Herlene. Sobrang trying hard niya sa lahat ng bagay. Gusto lang niyang maging masaya ‘yung pamilya niya.

 

 

“Also, ayaw niyang napapagod dahil may goal siya sa buhay niya na kailangan niyang ma-achieve in the future,” kuwento ni Herlene.

 

 

Sinabi rin niya na pursigido pa rin siyang sumali sa beauty pageants kahit na patuloy na gumaganda ang takbo ng kanyang showbiz career.

 

 

“Kahit anong marating ko sa buhay ko, titingala pa rin ako. Kahit gaano na ako kataas, titingala pa rin ako. Ibig sabihin noon, every time na mayroon akong naa-achieve, nangangarap pa rin po ako,” saad ni Herlene.

 

 

Kamakailan ay nakatanggap ng kritisismo si Herlene dahil sa tila paliguy-ligoy niyang sagot sa casual interview sa isang event ng Miss Grand Philippines 2023.

 

 

Sinabi naman niyang isang pagkakamali lang ang nangyari at patuloy niyang isusulong ang pagsasalita ng Tagalog sa mga pageants na sasalihan niya.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads July 22, 2023

  • Ilang mga alkalde hindi sang-ayon sa isinusulong ng DILG sa hindi na pag-anunsiyo ng bakuna

    Hindi sang-ayon ang ilang alkalde sa Metro Manila sa panukalang hindi na sabihin sa mga mamamayan ang COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila.     Kasunod ito sa naging pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduard Año na dapat hindi inaanunsiyo ang mga brand na gagamitin ng mga LGU para hindi […]

  • Nag-sorry na pero kinontra niya ang statement: VICE, nag-rant dahil sa matinding inis sa airline company

    BONGGANG rant dahil sa matinding inis ang inihayag ni Vice Ganda laban sa isang airline company na ayon kay Vice ay abala at perhuwisyo ang idinulot sa kanya.     “Grabe ka @flyPAL Grabeng pangaabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!!! Bakit kayo ganyan??? Ilang beses nyo kaming pinaranas ng […]