Saso, Ardina target ang Olympics berth
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
MAY apat na Pilipinong golfer ang kumakatok sa mga pinaglalabang tig-60 silya para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 men’s and women’s golf sa Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.
Sila ay sina Yuka Saso, Dottie Ardina, Miguel Luis Tabuena at Angelo Que na pawang mga professional golfer.
Umakyat na si Tabuena sa ika-59 sa listahan sa pinakahuling inilabas na Olympic golf ranking o OGR ng International Golf Federation dahil sa respetadong finish sa SMBC Singapore Open sa nakalipas na linggo upang manatili sa kontensyon sa pangalawang niyang sunod na paghambalos sa quadrennial sportsfest.
Tumapos si Tabuena sa triple-tie sa eight place na may US$21,667 (P1.1M) cash prize sa 275 aggregate sa Singapore golfest sa likod 68, 65, 66 at 76 sa 110-man world class field na pinagwagian ni Matt Kucher ng United States.
Ang isa pang Pinoy na si Angelo Que nalagak sa quintuple-tie sa 24th spot sa 281.
Ang top 60 men at top 60 women golfers na nasa OGR sa cut off date sa Hunyo ang mga magku-qualify sa Tokyo Olympics golf.
Nasa kontensiyon para sa Top 60 women sina Saso (nasa dulong kanan ng larawan) na nasa ika-49 at Dottie Ardina na nasa ika-51. (REC)
-
Mas maraming health workers, nais nang magpabakuna ng Sinovac
Mas marami nang health workers ang nahikayat nang magpabakuna gamit ang China-made Sinovac COVID-19 vaccine partikular sa Philippine General Hospital. Sinabi ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi na nasa 200 hospital staff na nila ang nagpalista ang inaasahang mababakunahan nitong Martes. Si Legaspi ang kauna-unahang sumalang sa bakuna nitong Lunes na […]
-
Pagbuo ng isang task force para sa pagsagip ng mga Pilipinong marino na nasangkot sa mga sakuna sa karagatan, aprubado
Inaprubahan ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang ulat ng komite sa substitute resolution sa House Resolution 1344. Ang panukala ay inihain ni Marino Partylist Rep. Macnell Lusotan, na naglalayong himukin ang mga Departments of Foreign Affairs (DFA), Transportation (DOTr), Labor and Employment (DOLE), at Justice (DOJ), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime […]
-
Broadcaster na si Ka Percy Lapid, patay sa pamamaril sa Las Piñas
BINAWIAN ng buhay ang beteranong komentarista sa radyo na si Percival Mabasa (mas kilala sa tawag na Ka Percy Lapid) sa Las Piñas City matapos pagbabarilin, pagkukumpirma ng Philippine National Police at mga kasamahan niya sa media. Lunes ng gabi nang iulat ng DWIZ broadcaster Marou Sarne, bandang 8 p.m., nang pagbabarilin si […]