Saso asinta ang 1st major crown
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
KULANG man sa paghahanda at talagang tigasing mga Haponesa ang makakatapat, tiwala pa rin si Yuka Saso ng Pilipinas sa pangatlong korona at unang malaking karangalan sa inumpisahan na kahapon (Setyembre 10) na 53rd ¥200M JLPGA Championship Minolta Cup 2020 sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama, Japan.
Nasa ituktok ang 19-anyos na Haponesang-Pinay na bagitong professional golfer sa money standings sa dalawa nang tangang korona na sa lumiit na mayamang sport ciruit sa rehiyon dahil sa coronavirus disease 2019.
Tumabla lang sa 29th place sa nitong Linggong 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Gifu Prefecture Honshu ang hindi marunong mag-Nihongga pero matatas mag-Tagalog na tubong San Ildefondo, Bulacan, at ay isa pang panlimang puwesto tinapos sa apat na kompetisyon ng Japan Ladies Profressional Golf Association (JLPGA).
Pero mapapasabak siya laban kina 2020 Scotland Biritish Open sixth placer Momoko Ueda, 16-time JLPGA titlist Ai Suzuki, Golf 5 tilt runawaychampionr Sakura Koiwai at Earth Mondahmin Cup winner Ayaka Watanabe.
May 131 parbusters ang karibal ng NEC Karuizawa at Nitori Ladies champion na si Saso sa 72-hole, four-day golfest na magkakaloob sa mamayagpag dito ng ¥36M (₱16.5M) paycheck . (REC)
-
Fernando, nagbigay ng direktiba sa PTF na paigtingin ang PDITR Strategy upang maghanda sa COVID Delta variant
LUNGSOD NG MALOLOS- Kahit wala pang naiuulat na kaso ng COVID-19 Delta variant sa lalawigan, ipinag-utos ni Gobernador Daniel R. Fernando sa Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 na paigtingin ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy sa ginanap na 12th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters of the PTF sa pamamagitan ng aplikasyong […]
-
BEA, wala pang nasimulang project sa GMA dahil sa paghihintay nila ni ALDEN sa movie na pagtatambalan
SA kanyang 16-hectares farm, ang Beati Firma Farm, magpapalipas ng Christmas si Bea Alonzo, with her family, sa Iba, Zambales. Hindi na siguro dapat itanong kung kasama ba niya ang boyfriend niyang si Dominic Roque, na sinabi niyang her ‘best blessing.’ This year lamang naging public ang relasyon nila ni Dominic, […]
-
Pilipinas, hindi kulelat sa buong Asean region
PINALAGAN ng Malakanyang ang paratang ng mga kritiko ng Duterte administration na kulelat ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga nabigyan na ng Covid-19 vaccines. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung pagbabasehan ang datos ukol sa bilang ng mga naturukan na ng bakuna kontra Covid-19 ay pumapangalawa na aniya ang bansa sa Asean […]