Saso Athlete of the Year
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
NAPILI ang sumisibol na pambato ng bansa sa women’s professional golf na si Yuka Saso bilang 2020 Athlete of the Year sa virtual Awards Night ng Philippine Sportswriters Association sa Marso 27 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City.
Sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 o pandemic, naging inspirasyon ng mga kababayan ang 19 na taong Pinay na Haponesa mula sa San Ildefonso, Bulacan nitong nakalipas na taon.
Nag-pro ng 2020 ang dalaga makalipas ang makinang na amateur career tampok ang double gold medal sa Indonesia 2018 Asian Games.
Kumopo siya ng dalawang sunod na titulo sa 53rd Japan Ladies Professional Golf Association, ang mga NEC Karuizawa Championship at Nitori Ladies Golf, bago ang kumasang nag-13th place finish sa debut season sa US Open.
Iko-cover ng Cignal TV ang awards presentation na mga hatid ng San Miguel Corp. at Philippine Sports Commission at mga suportado ng 1-Pacman Partylist at Rain or Shine.
Tumanggap ng parehong award si Saso, kasama sina kapwa golfers Bianca Isabel Pagdanganan at Lois Kaye Go, at weightlifter Hidilyn Diaz noong 2018 PSA awards.
Magbibigay din ang orgaisasyon ng Executive of the Year, President’s Award, National Sports Association of the Year, Lifetime Achievement Award at iba pa. (REC)
-
DepEd handang ipagamit ang mga paaralan bilang vaccination center
Papayagan ng Department of Educations (DepEd) na gamitin ang mga paaralan bilang vaccination centers kapag wala ng ibang lugar pa. Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, na ipapatupad pa rin nila ang polisiya sa mga paggamit ng pasilidad ng DepEd kapag gagawin ang mga ito bilang vaccination centers. Nakikipag-ugnayan na rin […]
-
Queen Bees and Wannabes: ‘Mean Girls’ Hits PH Cinemas
Catch the latest buzz as ‘Mean Girls’, a fresh take on high school drama by Tina Fey, debuts in Philippine cinemas on February 7. Join Cady Heron and the iconic Plastics in this must-see comedy. High school is a world of its own, filled with cliques, drama, and unforgettable moments. On February 7, Philippine cinemas […]
-
‘Judge me by my actions’ – BBM
“JUDGE me not by my ancestors, but by my actions.” Sinabi ito ni President-in-waiting Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasabay ng pangako na magiging presidente siya ng lahat ng mga Filipino kasama na ang mga hindi bumoto sa kanya. Sa statement na binasa ni Vic Rodriquez, spokesman at chief-of-staff ni Marcos, inihayag […]