Saso ginantimpalaan ng P1.099M
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
PINOSTE ni Yuka Saso ang maangas na laro sa tatlong araw, tumipa ng five-under 67, pero mabuting panabla lang kasama ang tatlong iba para sa pangwalong puwesto sa wakas kamakalawa (Linggo) ng 51 st Descente Ladies Tokay Classic na pinanalunan ni Nippon Ayaka Furue sa Shinminami Country Club-Mihami Course sa Aichi Prefecture , Japan.
Kabilang ang 68-73, naka-208 ang Philippine rookie profes- sional golfer upang makakubra pa rin ng gantimpalang ¥1,876,000 (P869,000) sa 54- hole golfest na ikaanim na bahagi ng 53 rd Japan Ladies Professional Golf Association 2020.
Nadagdag pa ang 19-year-old Fil-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan ng ¥500,000(P230,000) sa pagwawagi sa side event na Driving Queen Contest sa tiniradang 270- yard laban sa 11 karibal na kinabibilangan ni former two-time champion Japanese Lala Anai.
Nanaig sa playoff si Furue sa kapwa Haponesang si Hiroko Azuma tapos magtabla sila sa 201 sa parehas na 68 sa last round at makamit ang ¥14,400,000 (P6.6M). May ¥7,040,000 si Azuma. Pumangatlo si Pai-Ying Tasi ng Taiwan na may ¥5,600,000.
Nasa radar ni Saso ang Miyagi TV Cup Dunlop Ladies Open Golf Tournament sa Setyembre 25-27 sa Miyagi na rito’y ipagpapatuloy ang asam na pangatlong titulo sa mayamang sport circuit sa kontinente na pinagigsi ng Covid-19. (REC)
-
Nakapaninibago at aminadong may konting takot: PAULO, malungkot na masaya sa premiere ng movie nila ni JANINE
PAREHONG batikang director ang may hawak ng Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Start Up na sina Direk Dominic Zapata at Direk Jerry Sineneng. Dito pa lang, alam mo na espesyal ang Start-Up para bigyan ng dalawang mabibigat na director. Ayon kay Direk Jerry, “perfect casting” daw ito. Mula kina […]
-
5 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela
ISINELDA ang limang katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 7 Commander P/Capt. Arnold San Juan ang mga naarestong suspek bilang sina Jr Bungadelyo, 28, construction worker, Gary Jose, 40, helper, Jestoni Ebrada, 36, helper, Johnrod Tolentino, 31, cook […]
-
40th Anniversary ng ‘Himala’, ipagdiriwang sa Disyembre… Sen. IMEE, NORA at CHARO, reunited at pinarangalan sa ‘FAMAS Awards 2022’
REUNITED sina Senator Imee Marcos, Superstar Nora Aunor at Ms. Charo Santos-Concio na pawang pinarangalan sa FAMAS Awards 2022. Naka-trabaho ni Sen. Imee sina Nora at Charo sa ‘Himala’ at ngayong Disyembre, ipagdiriwang ang ika-40 na anibersaryo ng naturang pelikula, na prinodyus ng senadora noong 1982 sa pamamagitan ng Experimental Cinema Of The […]