• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRICYCLE DRIVER BINARIL SA MUKHA

PINASOK sa loob ng kanilang bahay at malapitang pinagbabaril sa mukha sa harap mismo ng kanyang live-in partner ang isang tricycle driver hindi kilalang suspek subalit himala itong nakaligtas sa lamatayan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

“Parang may sa pusa, siyam yata ang buhay,” pahayag ni Malabon police homicide investigator P/MSgt. Julius Mabasa sa panayam sa kanya sa telepono matapos bisitahin si Albert Micabalo, 27 ng 21 Atis Road, Brgy. Potrero sa MCU hospital makaraang isugod ng kanyang live-in partner na si Shella Manjares.

 

Ayon kay Mabasa, alas-8:30 ng gabi, nasa loob ng kanilang bahay ang biktima at kanyang bahay live-in parther nang sapilitang pasukin ng hindi kilalang gunman na nakasuot ng itim na t-shirt, bull cap at face mask saka walang sabi-sabing pinagbabaril sa mukha si Micabalo bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

 

Sa pahayag ni Manjares at mga kaanak ni Micabalo kay Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy na walang kaaway ang biktima at hindi nila alam ang motibo sa pamamaril sa kanya.

 

Ani Mabasa na nagawa niyang makausap ang biktima bago siya sumailalim sa operasyon at sinabi sa kanya na ang tanging taong nakalaban niya ay isang babae sa kanilang barangay na nagkalat ng mapanirang-puri at mapanirang salita laban sa kanyang live-in partner.

 

Sinabi naman ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao na ang biktima at walang criminal record o nasangkot sa ilegal na aktibidad. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinagselosan ng naging ex-bf ng singer/actress: Kuya KIM, inamin na nagkaroon talaga ng feelings noon kay GENEVA

    INAMIN ni Kuya Kim Atienza sa progamang Mars Pa More, na nagkaroon siya ng feelings noon para kay Geneva Cruz.     Sinagot lang ni Kuya Kim ang tanong sa segment ng show na ‘On The Spot’. Ang tanong ay: Sabi ko na nga ba, dapat inamin kong may feellings ako noon para kay—-, naging kami sana.” […]

  • DOTr: Mga sirang elevators at escalators sa LRT 2, Ok na

    INULAT ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na umaandar na ang mga sirang elevators at escalators sa Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) matapos na makita na isang disabled na pasahero ang umaakyat sa hagdanan habang dala-dala ng dalawang (2) security personnel ang wheelchair nito.       Agad umaksyon si Tugade […]

  • HVI tiklo sa P120K Marijuana sa Valenzuela

    ISANG tulak ng illegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Carlo Mendoza […]