• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso hahataw sa Japan Classic

Muling sasalang sa aksyon si 2021 US Wo­men’s Open champion Yuka Saso sa kanyang paglahok sa Toto Japan Classic bukas sa Seta Golf Course sa Shiga Prefecture.

 

 

Hangad ng 20-anyos na Fil-Japanese golfer na makopo ang korona sa nasabing 72-hole tournament hindi niya napasakamay noong nakaraang taon.

 

 

Ito ang unang torneo ni Saso sa Japan matapos kumampanya sa nakaraang Olympic Games sa Tokyo noong Agosto kung saan siya nagtapos sa joint ninth place.

 

 

Kasalukuyang No. 6 si Saso sa pinakabagong inilabas na world rankings.

 

 

Inaasahang idedepensa ni South Korean champion Jiyai Shin, inu­ngusan si Saso noong 2020 edition, ang kanyang titulo ngayong taon.

 

 

Matapos ang Japan tournament ay bibiyahe si Saso patungong US para sumabak sa mga LPGA events na Pelican Championship sa Nobyembre 11-14 at sa CME Group Tour Championship sa Nobyembre 18-21 na parehong idaraos sa Florida.

 

 

Regular na lumalahok si Saso sa mga LPGA tournaments bago pa ang Tokyo Olympics.

Other News
  • SIM registration, walang extension – NTC

    NANINIWALA ang National Telecommunications Commission (NTC) na hindi na kailangan pang palawigin ang SIM card registration sa bansa.     Ayon kay NTC Director Imelda Walcien, kumpiyansa silang matatapos ng mga telecommunication companies ang pagrerehistro sa halos 169 milyong SIM cards hanggang sa deadline nito na Abril 26.     Matatandaang alinsunod sa itinatakda ng […]

  • Pagbubukas ng Dolomite Beach, iniurong ng DENR sa Hunyo 3

    IPINAGPALIBAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mu­ling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach sa susunod na buwan.     Matatandaang ang reopening nito ay nakatakda sana sa Mayo 20 ngunit malaunan ay nagpasya ang DENR na iurong ito ng dalawang linggo pa, o sa Hunyo 3, 2022 na lamang.     […]

  • 22 ‘protektor, smugglers’ ng agriculture products tinukoy

    KABILANG  ang pinakamatataas na mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) sa 22 katao na pinangalanang umano’y mga protektor at smuggler ng mga produktong agrikultura.     Ito ay base sa intelligence report na natanggap ni Senate President Vicente Sotto III nitong Mayo 17 at nakasaad sa committee report no. […]