Saso ibabalik ang bangis
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
NAWALA SA ang pamatay na porma ni Yuka Saso kaya nagdaang limang torneo’y isang top 10 lang ang pinakamataas na tinapos sa 12th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, magbuhat nang makadalawang sunod tagumpay sa mayamang paligsahan sa kontinente.
Desidido ang 19-anyos na Fil-Japanese na tubong sa San Ildefonso, Bulacan na makabawi at makuhang muli ang tikas pamatay sa pagsambulat ngayong Biyernes ng Fujitsu Ladies 2020 sa Tokyu Seven Hundred Club sa Chiba City, Japan.
Inihudyat nang hindi marunong mag-Nihonggo pero matatas mag-Filipino na rookie professional ang pagdomina sa edisyong ito nang pamayagpagan sa ikalawa-ikatlong mga torneong NEC Karuizawa at Nitori Ladies ‘pagkabinyag’ sa kanya pakikipagbuhol sa ikalimang puwesto sa Earth Mondahmin Cup.
Pero hindi na siya gaanong nakapalag pa sa korona para mabitawan ang pamamayagpag sa Player of the Year race kahit nasa ituktok pa rin naman ng money derby at sa karamihang statistika. (REC)
-
Ads December 4, 2020
-
Volume ng mga sasakyan sa NCR, sobra na- MMDA
SOBRA na ang volume o dami ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes na para sa taong 2021 lamang ay mayroon ng 300,000 karagdagang sasakyan sa bansa o hanggang 70% na bumabagtas sa Kalakhang Maynila. “Sobra na po ang volume […]
-
Tourism industry tuluyan ng bumabalik ang sigla – DoT
MALAKI ang tiwala ng Department of Tourism (DOT) na tuluyan ng babalik ang sigla ng turismo sa bansa. Ito ay matapos na magtala nasa 1.7 milyon na international arrivals sa bansa mula Enero hanggang Abril ngayong taon. Sinabi ni Tourism Secretary Maria Cristina Frasco, na ang nasabing bilang ay mas mataas […]