Saso magaling, malakas na babalikwas sa 2021
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
ISANG mas magaling at malakas na Yuka Saso ang babalik para sa 54th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2021.
Ipinangako ito ng 19-anyos na bagitong top Philippine pro player kasunod nang pagmintis sa ibabaw ng Player of Year (Mercedes rankings) sa paglulunsad ng kanyang career sa mayamang region’s circuit na natapos nito lang Linggo.
“Marami akong natutunan at nagpapasalamat ako sa opportunity (na makalaro sa Japan Ladies Professional Golf Association),” wika ng Fil-Japanese na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan Lunes makaraang pumang-anim sa huling torneong JLPGA Tour Championship Ricoh Cup sa taong ito sa Miyazaki Prefecture.
Pumangalawa ang dalagang nakabase sa ngayon sa Tokyo na si Saso kay Ayaka Furue, pero namayagpag sa money list ng Tour, na naghayag nang mas maraming torneo sa papasok na taon kasama ang mga kinansela sa kasalukuyang taon dahil sa Covid-19.
Lumikom ang 20-taong-gulang na si Furue sa 14 tournaments ng 1371.78 points, sa mapuwersang pagtatapos sa pagkopo ng mga korona sa Itoen Ladies at Daio Paper Elleair Open at pumangalawa sa JLPGA Ricoh Cup huling tatlong laro.
Si Saso’y nakadalawang sunod trono rin sa NEC Karuizawa at Nitori Ladies noong Agosto August, bago napakawalan ang POTY kay Sakura Koiwai at binawi sa pagpangalawa sa Toto Classic noong Nobyembre sa 1146.85 pts. (REC)
-
DOLE TUTULUNGAN ANG MGA TINANGGAL NA EMPLEYADO NG ISANG MOBILE PHONE COMPANY
NANGAKO ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sisiyasatin ang mga alegasyon ng pagtanggal ng isang kumpanya ng mobile phone sa mga empleyado nito dahil sa pagbuo ng unyon. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello aalamin nito kung may katotohanan ang reklamo ng mahigit 200 kawani ng Vivo Tech, Inc. na nag-rally […]
-
Labis ang kasiyahan: Ama ni Mary Jane, nagpasalamat kay PBBM
NAGPAHAYAG ng kanyang labis na kasiyahan at pasasalamat ang ama ng convicted overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules, sa pagsisikap nitong maiuwi sa Pilipinas ang kanyang anak. “Nagpapasalamat po ako. Talagang maraming marami salamat po sa ating mahal na Pangulo at […]
-
Mahigit 1-M doses ng Pfizer vaccines panibagong dumating sa PH
Natanggap ng bansa ang panibagong mahigit isang milyon doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer. Lulan ng Air Hong Kong flight LD456 ang 1,078,740 Pfizer vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas-8:00 kagabi (Disyembre 1). Ito ang unang bahagi sa tatlong deliveries sa mahigit […]