• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso minalas pero nagbulsa ng P1.3M

HINDI nagging maganda ang pagtatapos na laro ni Yuka Saso, may maalat na four-over 76 para makuntento lang sa five-way tie sa 13th place, lubog ng pitong palo sa nag-reynang si Nippon Saki Nagamine sa wakas nitong Linggo ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Minolta cup 2020 sa  JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama.

 

Kabilang ang 68-70-69 patungo sa 283 lang score ng top Philippine pro golfer hambing sa Haponesa na pumoste ng stroke win (69-276) sa mga kalahing sina Na-Ri-Nee Inari (67-277), Ayako Kimura (69-277) at Hikari Tanabe (71-277), mga nagtabla para sa sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto.

 

Nakapagsubi si Nagamine ng top purse na ¥36M o katumbas ng P16.5M sa apat na araw na paluan sa loob ng 72 butas at nagsilbing panlimang torneo ng mayamang sport circuit na ito sa Asya.

 

May grasya pa rin ang Fil-Japanese rookie pro na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan na ¥2,640,000 (P1.3M) sa pagmintis sa una niyang pagtatanga sa unang major title sa paliga.

 

Isa lang ang nai-birdie sa back nine ni Saso, nakatatlong bogey sa holes No.   10, 16 at 18th, at dalawa pa sa front nine sa ikaanim at ikapitong butas na pumigil sa hangad sana niyang pangatlong korona sa limang kompetisyon dito. (REC)

Other News
  • Debut ni Kai Sotto sa Gilas team nakatakda na sa Feb. 18 vs Korea

    Plantsado na ang debut ng 7-footer na si Kai Sotto sa seniors team ng Gilas Pilipinas matapos ianunsyo ngayon ng FIBA ang full schedule ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Al-Gharafa Sports Club Multipurpose Hall sa Doha, Qatar.     Unang makakalaban ng Pilipinas sa third window ng torneyo ang mahigpit na […]

  • CONVICTED CALAUAN MAYOR SANCHEZ, PUWEDE SA GCTA

    MAARING mapalaya si convicted Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez  sa ilalim ng General Conduct Time Allowance (GCTA), ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.   ” He was entitled to GCTA under revised penal code,”ayon kay Guevarra.   Nabatid na si Sanchez ay nahatulan noong Marso 14,1995 dahil sa panggahasa at pagpaslang sa magkaibigan na si […]

  • Truck ban sa Roxas Boulevard, ipapatupad ng MMDA

    INAPRUBAHAN ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad ng pansamantalang truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa layuning maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa gitna ng patuloy na konstruksyon sa lugar.     Sinabi ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) acting chairman Carlo Dimayuga III na ang pansamantalang truck ban ang nakitang solusyon ng […]