Saso trangka pa sa LPGA Tour of Japan
- Published on September 10, 2020
- by @peoplesbalita
PUMUWESTO lang sa 11 magkakatabla sa ika-29 na puwesto si Yuka Saso sa 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Gifu Prefecture Honshu nitong Linggo.
Pero hindi lang iyon upang mamantine niya ang liderato sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan ranking dahil nagrasyahan pa rin ang 19-year-old Fil-Japanese rookie pro ng ¥408,000 (₱187K).
Patungo sa 53rd ¥200M JLPGA Championship Minolta Cup 2020 na sisiklab ngayong Huwebes sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama na panlimang yugto sa pinaigsing Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) sa taong ito, pumiprimera si Saso sa Mercedes ranking sa total earnings na ¥59,448,000 (₱27M).
Pero bumubuga ng hangin sa bumbunan ng Indonesia 2018 Asian Games double gold medalist at two-time Philippine Ladies Open queen ang reyna sa Earth Mondahmin Cup na si Ayaka Watanabe ng Japan na may ¥51,620,000 makaraang kumubra sa Golf 5 ng ¥4.740M.
Ang kampeon sa Golf 5 na si Sakura Koiwai na nagkamit ng ng ¥10.8M ang nasa tersera na sa ¥31,640,000 patungo sa kampeonato. (REC)
-
Travis, iba pa bilib kay Simon
SALUDO si Romeo Travis kay Peter June Simon kaya nang mabalitaang magre-retiro na ang dati niyang kakampi sa Magnolia Chicken ng Philippine Basketball Association (PBA) ginamit niya ang social media. “Legend,” tweet ng dating Pambansang Manok reinforcement, at tropa ni LeBron James noon sa St. Vincent-St. Mary High School sa Akron, Ohio, USA nitong […]
-
NCR, palalakasin ang telemedicine para maiwasan na mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagbulusok ng COVID-19 —Abalos
SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na pinalalakas ang telemedicine sa Kalakhang Maynila upang hindi mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections. Paliwanag ni Abalos, hindi lahat ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay ay kailangang i-confined sa mga ospital at medical facilities. […]
-
No class size limit para sa in-person classes — DepEd
HINDI magtatakda ang Department of Education (DepEd) ng class size limit sa oras na magpatuloy na ang face-to-face classes sa Nobyembre. Sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na walang “prescribed class size” dahil magkakaiba naman school classroom situations. Gayunman, tiniyak nito na ire-require pa rin ng DepEd ang […]