• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travis, iba pa bilib kay Simon

SALUDO si Romeo Travis kay Peter June Simon kaya nang mabalitaang magre-retiro na ang dati niyang kakampi sa Magnolia Chicken ng Philippine Basketball Association (PBA) ginamit niya ang social media.

 

“Legend,” tweet ng dating Pambansang Manok reinforcement, at tropa ni LeBron James noon sa St. Vincent-St. Mary High School sa Akron, Ohio, USA nitong Huwebes

 

Binalikat ni Travis ang Hotshots sa kampeonato ng 2018 Governors Cup laban sa Alaska Milk at may bansag siya kay Simon.

 

“My teammate in the Philippines nickname was ‘The Scoring Apostle,’” aniya, patumbok sa Peter ang una sa dalawang given name, Simon ang apelyido.

 

Last conference na na dapat ni Simon, 40, ang 45 th PBA Philippine Cup na natigil noong Marso dahil sa coronavirus disease 2019. Pero itutuloy ang torneo sa Clark, Angeles, Pampanga sa Oktubre 11 na hindi na sinamahan Simon sa itinayong NBA-style bubble roon.

 

Ipinuros ng mga magmamanok ng ang planong retirement ceremony ng jersey No. 8 ni Simon na dapat ay noong Mayo. Ginugol ng basketbolista ang 16 na taong paglalaro sa prangkisa ng Purefoods.

 

Iba-iba pa ang mga natanggap na pabaon ng cager

 

“Salamat tol @pjs08 sa binigay mo na saya sa team at sa PBA! Salamat sa mga kwentuhan, champion, kulitan at samahan natin. Saludo ako sayo, mabait na kaibigan at mapagmahal sa family at sa fans,” tweet ni Jean Marc Pingris.

 

Kasama ni Simon sina Pingris at James Carlos Yap, Sr. sa pitong kampeonato ng prangkisa tampok ang grand slam noong 2014.

 

“One of my best teammates. Love you brotha,” pahabol ni Barangay Ginebra San Miguel veteran Joe Devance, na miyembro rin ng grand slam team.

 

“One of my favorite people in the PBA. Congratulations on a great career,” eksena ni Alaska Milk coach Jeffrey Cariaso.

 

Hanggang sa muli, PJ Simon! (REC)