• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso umangat sa ranking, Pagdanganan bumulusok

UMAKYAT ng limang baitang si Yuka Saso sa Rolex 15th World Women’s Professional Golf Rankings 2020 nang humanay sa pitong magkakabuol para seventh place finish sa wakas sa kapapalo na 75th US Women’s Open 2020 sa Houston, Texas.

 

Sinakop ang ika-45 puwesto buhat 50th sa nagdaang linggo ng 19 na taong-gulang na  Fil-Japanese rookie sa 86.45 total points makaraang makakolekta ng 9.07 markers sa US Open nitong Disyembre 10-13.

 

Napipito pa ring ma-sweep ng top Philippine pro ang 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020 Player of the Year at money race, batay sa ipinahayag nong isang linggo ng Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGFA).

 

Ayon sa organisasyon, hold muna ang 2020 season awards nila dahil magdaraos pa ng ilang torneo sa maaga ng 2021 bilang bahagi ng 2020 Tour na mga pinagpaliban sanhi ng Covid-19 na dedetermina sa mga awardee.

 

Sa pagkalagot naman sa cuts made sa US Open ng 71st LPGA Tour 2020, bumaba ng isang hakbang si Bianca Pagdanganan na kasalukuyang  nasa 150th sa 28.28 pts. makaraang mabokya sa US Open.

 

Pero kung pahinga na sa kabuuan ng buwan si Saso, may isa pang laban ang PH No. 2 sa 7th CME Group Tour Championship 2020 sa Dis. 17-20 (Dis. 18-21 sa ‘Pinas).(REC)

 

Other News
  • Ex-PDEG chief, 48 pa kakasuhan sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’

    NAKATAKDANG  isampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kasong kriminal at administratibo laban kina dating Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Director BGen. Narciso Domingo at 48 pang tauhan nito kaugnay ng umano’y ‘cover-up’ sa P6.7 bilyong halaga ng shabu na nasabat mula sa lending company ni PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. noong […]

  • 13 milyong motorsiklo sa Pinas ‘di rehistrado – LTO

    TINATAYANG 13 milyong motorsiklo na tumatakbo sa lansangan sa buong bansa ang hindi rehistrado.     Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Plates Unit officer-in-charge Nivette Amber Pastorite sa pagdinig ng Senate Committeee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, 12.9 milyon motorsiklo ang tumatakbo sa mga ­lansangan na hindi rehistrado. […]

  • Mga bagets, mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines

    TINIYAK ng Malakanyang na mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines ang mga teenager o mga bagets sa oras na maging available na ang suplay.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ihayag ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) na nakatakdang i- modify o baguhin ang emergency use authorization (EUA) […]