Savings at Shelter financing ng Pag-IBIG fund, matatag
- Published on November 14, 2024
- by @peoplesbalita
NANANATILING matatag ang savings at shelter financing ng Home Development Mutual Fund (HDMF), o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund sa ikatlong quarter ng 2024.
Ito naman ang iniulat ni Domingo Jacinto, Jr., Acting Vice President ng Pag-IBIG Fund sa kanyang pagharap sa Kapihan sa Bagong Pilipinas kahapon.
Ayon kay Jacinto, umabot sa P98.72-B ang kabuuang naipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG para sa 3rd quarter kung saan P49.27-B ang mula sa Regular Savings program at P48.86 bilyon mula sa boluntaryong MP2 savings.
Mula rin Enero hanggang Setyembre ng 2024, higit sa 2.5 milyong miyembro ang nakapag-avail ng Multi-Purpose Loan na umabot sa kabuuang P49.72-B.
Habang nakapaglabas din ito ng P88.17-B pondo para sa 61,597 housing loan borrowers.
Samantala, nasa 461,000 biktima rin ng iba’t ibang kalamidad ngayong taon ang natulungan sa Pag-IBIG Calamity Loan.
Bukod sa calamity loan, inaprubahan din ng Pag-IBIG Fund ang pagpapatupad ng isang buwang moratorium para sa bayad sa housing loan ng mga apektadong borrower na naninirahan at nagtatrabaho sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong Kristine.
Maaari pang mag-apply ang mga kwalipikadong miyembro sa naturang moratorium program hanggang Disyembre 31, 2024, sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG o sa pinakamalapit na sangay ng Pag-IBIG.
-
PCSO, namahagi ng 7 ambulansiya
NASA pitong ambulansiya ang ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa limang munisipalidad, mga sundalo at isang pagamutan, sa ilalim ng kanilang Medical Transport Vehicle (MTV) Donation Program. Mismong si PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades “Mel” Robles ang nanguna sa pamamahagi ng mga naturang ambulansiya sa mga benepisyaryo, sa isang […]
-
PUBLIC SCHOOL STUDENTS, NABIYAYAAN NG CASH ASSISTANCE
NABIYAYAAN ng cash assistance ang may 935 public school students ng lokal na pamahalaan lungsod nitong Martes. Ito na ang ikalawang batch na cash assistance sa ilalim ng Educational Assistance Program (EAP) at naipamahagi sa koordinasyon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa San Andres Complex, Manila. Ayon sa Manila […]
-
BIYAHENG PANDAGAT SA LEGAZPI, SINUSPINDE
SINUSPINDE pansamantala ang lahat ng mga biyahe ng sasakyang pandagat na may rutang Baseport Legazpi patungong Rapu-Rapu, Albay. Ayon sa pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA), simula alas -5 ng umaga ngayong araw, ika-16 ng Pebrero 2023 ay Hindi muna pinayagang maglayag ang mg sasakyang pandagat. Ang pagsuspinde ay bunsod ng […]