Sayaw ng sayaw habang in character sila: FAITH, kinaaliwan ang bagong Tiktok video kasama si BARBIE
- Published on October 4, 2023
- by @peoplesbalita
VIRAL at kinaaaliwan ng mga netizens ang bagong Tiktok video ni Faith Da Silva kung san kasama niya si Barbie Forteza.
Dance kung dance ang dalawa sa tugtuging ‘Beauty And A Beat’
Ang dalawang Sparkle actresses na co-stars rin sa ‘Maging Sino Ka Man.’
Ang bongga pa, hindi bilang sina Faith at Barbie ang sumasayaw sa naturang Tiktok video kundi ang mga karakter nilang sina Betty at Dino (ang karakter ng pagpapanggap ni Barbie/Monique bilang isang lalaki) sa nabanggit na GMA series.
Kuwela nga kasi dahil sa ‘Maging Sino Ka Man’ ay isang love triangle ang nabubuo sa kanilang tatlo, with David Licauco o Carding in the middle.
“Kay Dino na lang kaya?” ang caption ni Faith sa naturang video na kinomentuhan ni Barbie ng “Mine.”
***
DAHIL sa recent guesting ni Herlene Budol sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’ ay nasagot na rin niya ang matagal ng isyu sa kanya ng palaging pagiging late sa taping ng hit show niyang ‘Magandang Dilag’.
“Thank you, Lord. Masasagot ko na rin ‘to,” unang bulalas ni Herlene nang tanungin ni Cassy Legaspi ng “Gaano katotoo ang mga balita na madalas ka raw nali-late sa set ng Magandang Dilag?
“Ang chismis, lumalaki nang lumalaki ang balita ho.
“Isang beses lang ho ako na-late dahil sa strike-strike. Lahat po ng jeep sa amin naparada. Tapos, Tanay po kami pupunta, wala pong malabasan.
“Hindi po ako nag-jeep, may dala po akong sasakyan, na-trap lang po yung sasakyan ko.”
Sa huli ay sinabi ni Herlene na twice siyang na-late sa kanilang taping, pero hindi naman raw palagi tulad ng tsismis.
“Make it two!”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Ravena 3 buwang pahinga
IPINAHAYAG ng San-En Neophoenix kamakalawa na tatlong buwang magpapahinga si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III makaraan ang fractured right finger operation sa Chunichi Hospital sa Narita, Japan. Pinapagaling na ngayon ni Japan’s B.League 2020-21 Asian import Ravena III ng San-En Neophoenix ang inoperahang kanang kamay nitong Huwebes. “Happy to announce that my […]
-
‘Overpriced’ laptops iimbestigahan ng Senado
PINAPAIMBESTIGAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang isyu kaugnay sa ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops na binili ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM). Sa Senate Resolution 120 ni Pimentel, inaatasan nito ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations […]
-
Livelihood program ng OVP, nakatulong sa mahigit sa 7K kababaihan, LGBTQIA+ members
UMABOT na sa 7,561 kababaihan at mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual (LGBTQIA+) community sa bansa ang natulungan ng MagNegosyo Ta ‘Day program ng Office of the Vice President (OVP) ngayong taon. “Umabot na sa 7,561 ang naging benepisyaryo kung saan ang bawat grupo ay makakatanggap ng P150,000 at […]