SBP naghihintay ng positibong tugon ni Kai Sotto para makapaglaro sa FIBA World Cup
- Published on August 11, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI nawawalan ng pag-asa ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na mapapapayag nila si Kai Sotto na maglaro sa kasama ang Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup 2023.
Ayon kay SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios na nakipag-ugnayan na sila sa kampo ni Sotto.
Hinihintay na lamang nila ang positibong tugon ng kampo ng Filipino Center para mapapayag ito na makapaglaro.
Bumalik kasi sa paglalaro sa Australian National Basketball si Sotto matapos na hindi siya nakasama sa NBA Rookie Draft.
Magugunitang nakasama na ang 20-anyos na si Sotto sa FIBA Asia Cup qualifiers at FIBA Olympic Qualifying Tournament noong nakaraang taon.
-
Tagatangkilik ng USTe nag-alsa balutan na rin
KATULAD ng ibang nagpulasang mga tigre ng University of Santo Tomas men’s basketball team, umalpas na rin tagasuportang Ironcon Builders para sa Growling Tigers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Hindi na magkakaloob ng tulong sa koponan ang kompanya dahil sa pagbibitiw na ni coach Aldin Ayo na binabagan ng indefinite suspension […]
-
COMMERCIAL/RESIDENTIAL AREA, NASUNOG
ISANG commercial/residential area ang nilamon ng apoy kagabi sa Binondo, Maynila. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection- NCR, nangyari ang sunog sa establisimyento na pag-aari ng Jespajo Realty Corporation. Isa itong 5 storey residential/commercial mezzanine building kung saan nagsimula ang apoy sa unit na inookupahan ni Shany Lim sa Unit 209 […]
-
Ads June 20, 2022