• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SBP nagpaplano na para sa FIBA ACQ hosting

Simula na ang planning session ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa hosting ng bansa ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.

 

Nagsagawa na ang mga opisyales ng SBP ng ocular inspection sa Angeles University Foundation gym sa Angeles, Pampanga na posibleng pagdausan ng mga laro.

 

Binisita rin ng SBP ang Quest Hotel sa Clark, Pampanga na magiging official residence naman ng lahat ng delegadong darating para sa qualifers.

 

Kasama sa ocular sina SBP executive director Sonny Barrios, director of operations Butch Antonio, Gilas Pilipinas second window head Jong Uichico at Xander Gubat.

 

Ang naturang mga pa­silidad ang parehong ginamit ng PBA para tapusin ang Season 45 Philippine Cup.

 

to rin ang gagamiting pattern ng SBP na sasamahan ng mga health protocols na ipinatupad sa bubble setup ng second window na ginanap sa Manama, Bahrain noong Nobyembre.

 

Maliban sa venue, tututukan din ng organizing committee ang mga protocols na ipinatutupad ng FIBA sa actual game gaya ng sanitation sa venue at equipment, puwestuhan ng mga coaches at players sa bench, at posisyon ng mga table officials.

 

Ilalatag din ang pro­seso sa swab testing, transportas­yon mula airpot hanggang hotel, transportasyon mula hotel patu­ngong venue, at iba pang importanteng bagay.

Other News
  • ARTA tinutulak ang pagaalis ng TPL insurance ng mga sasakyan

    Ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ay sinusulong ang pagaalis ng third party liability (TPL) insurance na isang requirement sa pagrerehisto ng sasakyan para sa mga mayron nang comprehensive automotive insurance policy.     Isang recommendation ang pinahatid ni ARTA director general Jeremiah Belgica sa Land Transportation Office (LTO) kung saan niya sinabi na ang requirement […]

  • OPISYAL NG MPD-STATION 7 SINIBAK SA PUWESTO

    TINANGGAL na sa puwesto ang ilang opisyal ng Manila Police District (MPD) -Station 10 matapos na nasangkot sa pangha-harras sa isang miyembro  ng media sa Maynila.   Ito ang kinumpirma  ni MPD District Director Brig.General Leo Francisco kasabay ng isasagawang imbestigasyon ng D7 sa pangyayari.       Ang pagsibak sa mag opisyal ng MPD-Station […]

  • DepEd, pangungunahan ang 2023 National ‘Brigada Eskwela’ kick-off sa Tarlac

    PINANGUNAHAN ng Department of Education (DepEd) ang  National “Brigada Eskwela” (BE) kick-off program  ngayong taon sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Tarlac.     Ang “Brigada Eskwela” ay inisyatiba ng DepEd sa ilalim ng Adopt-A-School Program na nananawagan para sa  “engagement and collaboration” ng iba’t ibang  personnel at stakeholders,  gaya ng subalit hindi limitado […]