SBP nagpaplano na para sa FIBA ACQ hosting
- Published on December 19, 2020
- by @peoplesbalita
Simula na ang planning session ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa hosting ng bansa ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.
Nagsagawa na ang mga opisyales ng SBP ng ocular inspection sa Angeles University Foundation gym sa Angeles, Pampanga na posibleng pagdausan ng mga laro.
Binisita rin ng SBP ang Quest Hotel sa Clark, Pampanga na magiging official residence naman ng lahat ng delegadong darating para sa qualifers.
Kasama sa ocular sina SBP executive director Sonny Barrios, director of operations Butch Antonio, Gilas Pilipinas second window head Jong Uichico at Xander Gubat.
Ang naturang mga pasilidad ang parehong ginamit ng PBA para tapusin ang Season 45 Philippine Cup.
to rin ang gagamiting pattern ng SBP na sasamahan ng mga health protocols na ipinatupad sa bubble setup ng second window na ginanap sa Manama, Bahrain noong Nobyembre.
Maliban sa venue, tututukan din ng organizing committee ang mga protocols na ipinatutupad ng FIBA sa actual game gaya ng sanitation sa venue at equipment, puwestuhan ng mga coaches at players sa bench, at posisyon ng mga table officials.
Ilalatag din ang proseso sa swab testing, transportasyon mula airpot hanggang hotel, transportasyon mula hotel patungong venue, at iba pang importanteng bagay.
-
33 pasaway na mga tsuper huli dahil sa pag labag sa IATF sa Kyusi
HULI ang may 33 mga tsuper ng bus dahil sa pag labag sa Inter Agency Task Force on Emerging Diseases o IATF. Sa isinagawan inspeksyon ang Inter- Agency Council for Traffic (IACT), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga Public Utility Bus […]
-
DTI, OK sa plano ng private firms na magbigay ng regalo sa employees na magpapaturok ng vaccine
Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panukala mula sa mga grupo ng mga negosyante na magbigay ng regalo sa mga empleyado ng mga private firms na magpapaturok ng COVID-19 vaccine. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, na walang silang plano na magbigay ng anumang passes para sa agad na […]
-
Huwag agad maniwala sa ‘fake news’ – Comelec
MULING nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na huwag agad-agad maniniwala sa mga kumakalat na ‘fake news’ lalo na sa social media. Kasunod ito nang pagkalat umano ng mga video na may ilang mga guro mula sa Sultan Kudarat ang nilalagyan na ng shade ang mga balota kahit na ipinagbabawal ito […]