SC, inilabas na ang buong desisyon ng Anti-Terror Law
- Published on February 17, 2022
- by @peoplesbalita
INILABAS na ngayon ng Supreme Court (SC) ang full decision at separate opinions sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020.
Ito ay ilang buwan matapos ilabas ng kataas-taasang hukuman ang dalawang bahagi ng naturang batas bilang unconstitutional.
Siyam na critical questions naman ang kinilala ng SC bilang core issues sa 235 na pahinang resolusyon.
Idineklara naman ng Korte Suprema ang “Not intended Clause” sa probisyon ng Section 4 at ang second mode ng designation sa ilalim ng Section 25 bilang unconstitutional.
Inatasan na rin ng high court ang Court of Appeals (CA) na agad bumalangkas ng rules para sa judicial prescription na mayroong objective na mapanatili ang karapatan ng mga grupo, asosasyon at organisasyon.
Kung maaalala, ilang human rights groups, mga abogado at estudyante ang nagpahayag ng kanilang pagkontra sa desisyon ng SC at marami raw dito ang hindi naideklarang unconstitutional.
Nasa 37 petitions ang humirit sa SC para kuwestiyunin ang naturang batas at nagkaroon pa ng ilang beses na oral arguments.
Kung maalala, noong Hulyo 2020 nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-terror bill para maging ganap na batas.
-
Obiena tumangging makipag-ayos sa PATAFA
TINANGGIHAN na ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang alok ng Philippine Sports Commission (PSC) na pakikipag-ayos sa Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA). Sa kanyang social media, pinasalamatan ni Obiena si PSC Chairman Butch Ramirez na siyang tumayong maging tagapag-ayos. Naniniwala ito na ang pakikipag-ayos ay isang paraan […]
-
9 nagbalangkas ng 1987 Constitution inendorso Robredo-Pangilinan sa 2022
ISANG ARAW bago ang ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power Revolt na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, inendorso ng ilang framers ng Saligang Batas ang kandidatura nina presidental at vice presidential candidates Bise Presidente Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan. Ilan sa mga lumagda sa naturang pahayag, na inilabas ngayong Huwebes, ay […]
-
DOMINIC, sinorpresa si BEA ng isang brown-haired Poodle puppy
SINORPRESA ni Dominic Roque ang girlfriend na si Bea Alonzo sa nakaraang birthday nito ng isang brown-haired Poodle puppy. Isang fur mom kasi si Bea at alam ni Dominic na matutuwa ito sa kanyang niregalong puppy dog. Sa Instagram Stories ni Bea, pinost niya ang bago niyang fur baby at humingi […]