• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SC kinatigan ang MMDA’s number coding scheme

Inayunan ng Supreme Court (SC) ang kapangyarihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng mga hakbang na makakatulong upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila tulad ng number coding scheme.

 

 

Sa isang 28-pahina na desisyon na pinagbutohan ng lahat ng mahistrado ng SC, kanilang binasura ang petition para sa paghinto ng pagpapatupad ng number coding scheme na inihain ng mg drivers na sila Samson Pantaleon, Eduardo Tacoyo, Jr., Jesus Bautista at Monico Agustin.

 

 

Ayon sa SC, ang mga operators at franchises at hindi ang mga petitioners ang dapat na siyang partido sa nasabing kaso.

 

 

Pinahayag ng SC ang kaso noong November 17, 2020 subalit ang ruling ay nilabas sa publiko noong nakaraang June 11. Ang desisyon ay sinulat ni Associate Justice Marvic Leonen.

 

 

“The petitioners failed to present a factual foundation to rebut the presumption of validity of the challenged issuances, which were issued pursuant to the MMDA’s power to regulate traffic under Republic Act 7924 or the MMDA Law,” wika ng SC.

 

 

Ang mga nasabing petitioners ay sinita ang MMDA’s Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme na nakalagay sa MMDA Resolution No. 10-16 at Memorandum Circular No. 08, Series of 2010.

 

 

“The arbitrariness, oppressiveness and unreasonableness of the implementation of the issuances have not been sufficiently shown. The buses driven by the petitioners have not been totally banned from plying Metro Manila roads. However, as in private vehicles, the operation of public utility buses was regulated to ease traffic congestion,” dagdag ng SC.

 

 

Sa ilalim ng RA 7924, ang MMDA ay binigyan ng kapangyarihan na magayos ng trapik sa mga pangunahing lansangan at daanan sa Metro Manila.

 

 

Nakasaad sa memorandum of agreement na pinakasunduan sa pagitan ng MMDA at mga operators, ang mga buses ay partially exempted mula sa number coding scheme. Ang mga passenger buses ay kasama sa traffic scheme na nakalagay sa MMDA’s issuances kung kaya’t ito ang nagudyok sa petitioners na maghain ng kaso sa SC.

 

 

Ayon pa rin sa SC, ang MMDA’s issuances ay hindi nanghihimasok sa regulatory powers ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga pampublikong sasakyan.

 

 

Sa kasalukuyan, ang coding scheme ay nanatiling suspendido pa rin dahil sa pandemya. (LASACMAR)

Other News
  • TOM HOLLAND TALKS ABOUT HIS STUNTS IN “UNCHARTED”

    GO behind-the-stunts of Columbia Pictures’ Uncharted on the hardest action sequence Tom Holland’s ever made. Watch the Stunts Vignette below and experience the movie exclusively in Philippine cinemas February 23.     YouTube: https://youtu.be/3AQWVJDhAqg     About Uncharted     Street-smart thief Nathan Drake (Tom Holland) is recruited by seasoned treasure hunter Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg) to recover […]

  • ‘Fan Girl’, humakot ng pitong awards sa ‘4th EDDYS’; PAULO at CHARLIE, tinanghal na Best Actor at Best Actress

    NAGING matagumpay ang star-studded virtual awards night ng ikaapat na edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).     Napanood ito sa FDCP Channel (www.fdcpchannel.ph) at iba pang online platforms kabilang na ang official Facebook page ng SPEEd noong Linggo nang gabi, Abril 4 na kung saan ang […]

  • SMC susunod sa patakaran ng TRB sa 3-strike policy sa mga RFID lanes

    Susunod ang San Miguel Corporation (SMC) sa patakaran ng Toll Regulatory Board (TRB) na magpatupad ng “three-strike” policy para sa mga motoristang  gumagamit ng electronic payment collection lanes kahit na kulang na ang load credits.     “Our system is capable of monitoring repeat offenders,” wika ni SMC president at chief operating officer Ramon Ang. […]