• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SC: NCAP hearing sa Dec. 6 gagawin

BINAGO ang petsa ng nakatakdang pagdinig ng petitions sa Supreme Court (SC) tungkol sa oral arguments ng legality ng no-contact apprehension policy (NCAP).

 

Matapos ang panawagan ng mga transport advocates tungkol sa petitions ng legality ng NCAP, ang petsa ng pagdinig ay ginawa na sa darating na Dec. 6 at hindi na sa Jan. 25 sa susunod na taon.

 

Sa isang En Banc na ginawa noong nakaraang Tuesday, ang mga SC justices ay nagdesisyon na baguhin ang petsa ng oral argument. Habang ang preliminary conference ay itinakda sa darating na Nov. 4.

 

Kamakailan lamang ay pinahinto ng Supreme Court (SC) En Banc ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng limang (5) lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 

Nagbigay ng temporary restraining order (TRO) ang SC bilang sagot sa petitions na inihain ng magkakahiwalay laban sa pagpapatupad ng NCAP. Sinabi naman ng mga respondents naang ginawang TRO ay hindi man lamang nagbigay ng due course sa petitions.

 

“It issued the TROs without yet giving due course to the petitions,” wika ng SC sa kanyang pahayag.

 

Ang mga respondents saunang TRO ay ang siyudad ng Manila, Quezon, Valenzuela, Paranaque, Muntinlupa at Land Transportation Office (LTO). May isa (1) pa na TRO ang inilabas kung saan ang respondents ay ang Sangguniang Panglungsod ng Manila at Mayor Honey Lacuna.

 

Sa unang TRO, sinabi ng SC na kahit na anong apprehensions sa pamamagitan ng NCAP program at ordinances na may kaugnayan dito ay hindi pinapayagan gawin hanggang walang further orders ang Korte.

 

Samantala, sa ikawalang TRO, ang SC ay pinagbabawalan ang LTO na magbigay ng kung ano man information sa mga local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng NCAP.

 

Pinaliwanag naman ni SC spokesman Brian Keith Hosaka na kasama pa rin ang MMDA kahit na hindi covered ng TRO bilang isang respondent. “Upon verification with the Clerk of Court, I was informed that the MMDA is covered by the TRO in the NCAP case. MMDA is covered because of its Resolution No. 16-10, Series of 2016 which was the basis of the local ordinances of LGU respondents,” wika ni Hosaka.

 

Ayon naman sa MMDA ay hindi na muna nila ipapatupad ang NCAP dahil sa sinabi ni Hosaka na ang ahensya ay covered ng SC’s TRO sa pagpapatupad ng NCAP.

 

Ang unang petisyon na inihain laban sa NCAP ay ginawa ng Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon Inc., Pasang Masda, Alliance ng Transport Operators and Drivers Association of the Philippines at Alliance of Concerned Transport Organization.

 

Sa ikalawang petisyon ay inihain naman ni Atty. Juman Paa kung saan niya nagbabala na ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ay may access sa database ng LTO tungkol sa mga registradong sasakyan kasama na ang address at pangalan ng may-ari nito.

 

Nilinaw naman pa rin ni Hosakana ang mga LGUs na nakalagay sa TRO ay siya lamang mga magiging respondents.

 

Nang tinanong si Hosaka kung covered pa rin ang mga motorista na nabigyan ng apprehension bago pa ilabas ang TRO at kung magbabayad pa rin sila ng mga multa ay wala siyang masabi kung hindi ang maghintay na lamang ang publiko ng actual pronouncement ng SC para sa main petitions.

 

Ayon sa SC Public Information Office kanilang ilalagay sa kanilang website ang mga importanteng resolusyon kapag nakuha na nila ang official copy mula sa Office of the Clerk of Court En Banc.

 

“Likewise, the SC PIO will be creating a microsite in the SC website in connection with the case and where the public may access and view all pertinent pleadings,” saad ni Hosaka.

 

Ang NCAP ay isang road safety at traffic management program na pinatutupad ng limang (5) lungsod sa Metro Manila at MMDA sa pangunguna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).  LASACMAR

Other News
  • Sa pagtakbo ni VP LENI bilang Pangulo: ELY, kinukulit na ng netizens na tuparin ang pangakong reunion concert ng Eraserheads

    DAHIL official ngang in-announce ni Vice President Leni Robredo ang paglaban sa pagka-pangulo sa Halalan 2022, nagtatanong ngayon ang netizens kay Ely Buendia kung tutuparin niya ang pangakong magkakaroon ng reunion ang Eraserheads.     Marami nga ang nagpakita ng suporta at kaligayahan sa naging desisyon ni VP Leni, kaya umulan ng mensahe at pink […]

  • Ads July 14, 2023

    adsjuly_142023

  • Wanted na rapist, nadakma sa Caloocan

    KALABOSO ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae matapos madaki sa ginawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Tinugis ng pinagsanib na mga tauhan ng Sub-Station 13 ng Caloocan Police, Warrant and Subpoena Section (WSS), at Batasan Sub-Station 6 ng Quezon City […]