SEA Games hosting ng Pilipinas pinuri ng foreign sports officials
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
Inaasahan ng mga foreign sports officials na mapapakinabangan nang husto ng mga Filipino athletes ang “state-of-the-art” na New Clark City sa Capas, Tarlac.
Ang nasabing venue ang ginamit sa matagumpay na pamamahala ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre kung saan hinirang na overall champion ang Team Philippines.
Pinuri ni Ibrahim Nada, ang Technical Director ng Athletics Stadium and Aquatics Center sa Aquatic Complex sa New Clark City, ang nasabing modernong pasilidad.
Sinabi ng Malaysian official na lalo pang magsisikap ang mga Pinoy swimming at diving teams na mag-ensayo dahil sa makabagong aquatic center.
Noong 2019 SEA Games ay sumabak ang 135 atleta mula sa 11 member countries sa swimming, diving, water polo at artistic swimming sa naturang Aquatic Complex.
Nagpasalamat naman sina Harry Warganegara ng Indonesia Olympic Committee at Kunihito Morimura, ang president at Chief Executive Officer ng Dentsu Sports Asia, sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) dahil sa matagumpay na pangangasiwa sa 2019 SEA Games.
Tiniyak nina Warganegara at Morimura na muli silang babalik para makita ang pagbabago sa ‘sports landscape’ ng bansa.
Ang 31st edition ng SEA Games ay pamamahalaan ng Vietnam sa susunod na taon.
Matapos namang isumite sa pamunuan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ay nakatakda namang ibigay ni PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara ang kanilang Final Report Book sa SEA Games Federation.
-
Richard Bachmann: New PSC Chairman
Tinalaga ng Malacañang si Richard Bachmann bilang bagong Chairperson ng Philippine Sports Commission (PSC). Ang dating University Athletic Association of the Philippines Commissioner ay magiging kapalit ni Noli Eala, na nai-appoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong buwan lamang ng Agosto. Maliban sa pagiging bahagi ng Athletic Association, naging team governor […]
-
SINAS, MOST TRUSTED NI PDU30 – Sec. ROQUE
SI National Capital Region Police Office (NCRPO) director Police Major Gen. Debold Sinas ang itinuturing na ‘most trusted’ ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya’t itinalaga bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP). Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang kalamangan ni Sinas sa ibang kandidato sa puwesto. “Let’s just say that […]
-
“To the most beautiful soul in the world”: Birthday message ni ENRIQUE kay LIZA, punum-puno ng pagmamahal
BUKOD sa napakadalang mag-post, matagal na rin na hindi halos nagpo-post sina Enrique Gil at Liza Soberano ng picture na magkasama sila. Lalo na si Enrique, madalang na lang itong mag-post. Si Liza ay nasa America, pursuing her Hollywood dreams. Habang si Enrique naman ay nasa bansa. At may mga bali-balita […]