SEAG team training inaayos na ng PSC at POC
- Published on April 17, 2021
- by @peoplesbalita
Aligaga na ang Philippine Sports Commission (PSC) at ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa pagbabalik-ensayo ng mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games.
Hanggang ngayon ay ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga team training sa NCR Plus bubble sa harap ng pagsipa ng mga COVID-19 positive cases sa bansa.
Umaasa si PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Ramon Fernandez na masisimulan na ang full training ng mga atleta sa Hulyo 1 kung kailan posibleng mayroon nang COVID-19 vaccines ang mga ito.
“The joint secretariat for the SEAG are carefully working on the SEAG plan,” sabi kahapon ni Fernandez sa kanilang pulong ni POC president at Tagaytay City Congressman Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
Nauna nang sinabi ni Fernandez na magpapatupad ang PSC at POC ng “no vaccine, no training” policy kung hindi bababa ang mga kaso ng COVID-19 positives sa mga susunod na linggo.
-
Ads October 7, 2024
-
250,000 RESIDENTE NG MAYNILA, NAKATANGGAP NG FOOD BOXES
NAKATANGGAP na ng food boxes na bahagi ng COVID-19 Food Security Program ng pamahalaang lungsod ang mahigit sa 250,000 na residente ng Maynila. Napag-alaman na ang mga residente sa Distrito 1 at 2 sa Tondo ang unang nagbenipisyaryo ng nasabing programa kung saan nasa kabuuang 250,054 food boxes na ang naipamahagi na nagsimula […]
-
After na lait-laitin ang anak nilang si Malia: POKWANG, pinagbantaan ang basher na magkita na lang sa korte sa ginawang pambu-bully
MAY mga bastos talagang netizens, na pati ang super cute at tisay na anak nina Pokwang at Lee O’Brien na si Malia ay pinagdiskitahan. Sa IG post ng Kapuso comedianne na caption na, “Ayan mula kay tisay @malia_obrian pang palakas ng loob at hahhahaha.” Marami ang natuwang netizens sa kakyutan ni Malia […]