Sec. Andanar, personal na kinumpirma na tinamaan ng Covid- 19
- Published on March 31, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA mismo ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na positibo siya sa Covid-19 at isang asymptomatic.
Sa kalatas na ipinalabas ni Andanar, nakasaad dito na kaagad siyang nag-isolate at nag-home quarantine.
“I would like to confirm that I have, unfortunately, tested positive for COVID-19. Though I am asymptomatic, I was immediately isolated and placed on home quarantine,” anito.
Nasabihan na rin aniya ang mga taong kanyang nakahalubilo.
“Contact tracing of those I have interacted with has also been done in accordance to the rules set by our authorities, and to ensure the safety of my staff, of my family, and of the public,” ani Andanar.
Tiniyak naman niya na siya ay okay at ipagpapatuloy ang kanyang trabaho at gampanan ang kanyang tungkulin kabilang na ang pagho-host ng regular shows para ipaalam sa publiko ang mga nangyayari sa bansa habang nagpapagaling mula sa virus.
Samantala, nakiusap naman si Andanar na huwag patulan ang mga malicious gossip mongers, na kumakalat ngayon sa pamamagitan ng text messages.
Giit nito, hindi niya nilabag ang travel restrictions, “as these strict protocols are in place for our safety, more importantly, I would never jeopardize the well-being of others.”
Sa ngayon, pinaalalahanan niya ang lahat na mag-ingat dahil madaling kapitan ng COVID-19 ang kahit na sinuman.
Tinawagan din niya ng pansin ang mga nasa ilalim ng ECQ na maging bigilante at sundin ang extra measure na itinakda ng pamahalaan.
“Anyone can be infected, which is why we need to strictly adhere to the safety protocols. I also call on those in areas under ECQ to be extra vigilant and to follow the extra measures set in place by our government, they are for everyone’s safety,” ang panawagan ni Andanar. (Daris Jose)
-
Paul, tila pinatamaan sa post ni Ogie: Sa claim na ‘most powerful celebrity’ si TONI, inalmahan ng mga citizens
WALA namang pangalan na binanggit si Ogie Diaz, pero kung babasahin ang mga comment sa Twitter post niyang ito, tila ang tinutukoy sa mga comment ng netizens ay ang director na si Paul Soriano. Ang tweet ni Ogie kasi, “Magaan lang kasi ang bangko, kaya binuhat.” Eh, pinost ito ni Ogie after na lumabas ang […]
-
Higit 800 barangays recipient sa P16.4-B Barangay Development Program ng gobyerno
NASA 822 barangays na dating NPA infested areas ang na- cleared na ngayon ng government forces ang recipient sa P16.44 Billion pondo na ilalaan ng gobyerno para sa Barangay Development Program (BDP). Ayon kay National Security Adviser, Sec. Hermogenes Esperon Jr. ang mga nasabing barangays ay mga dating lugar na target ng operasyon ng […]
-
‘Big Three’ ng Warriors papagitna sa NBA finals
SA MULING pagkakabuo ng tatluhan nina Stephen Curry, Draymond Green at Klay Thompson ay mahirap talunin ngayon ang Golden State Warriors sa NBA Finals. Naghari noong 2015, 2017 at 2018, hangad ng Warriors na muling makamit ang NBA championship sa pagsagupa sa Boston Celtics simula sa Game One bukas (Manila time) sa San […]