• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Diokno, dedma lamang sa tsismis na papalitan siya sa puwesto

DEDMA lang si Finance Secretary Benjamin Diokno sa “tsismis” na aalisin siya sa puwesto para ilipat at pamunuan ang Maharlika Investment Corporation (MIC). 

 

 

Ipinagkibit-balikat lamang ni Diokno ang ulat na si Deputy Speaker Ralph Recto ang papalit sa kanya sa DoF.

 

 

Sinabi ni Diokno, tuloy lang ang kanyang trabaho bilang Kalihim ng DoF at hangga’t kailangan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Matatandaang may kuwento ang  Bilyonaryo.com kung saan tinukoy nito na papalitan ni Recto si Diokno at kinokonsidera ang huli bilang pinuno ng MIC.

 

 

Gayunman, nito lamang nakaraang buwan  ng Nobyembre, pinili ni Pangulong  Marcos si seasoned banker Rafael Consing Jr. para pamunuan ang MIC.

 

 

Sa isang panayam, tinanong si Diokno ukol sa umugong na balita na papalitan siya ni Recto bilang Kalihim ng DoF, kagyat namang sumagot si Diokno ng “I serve at the pleasure of the President.”

 

 

“I’ll work until, as long as I’m needed in the government,” dagdag na wika nito.

 

 

At nang tanungin kung sa tingin niya ay masaya ba ang Pangulo sa kanyang trabaho, ang naging tugon ni Diokno ay  “I think so, yes.”

 

 

Nauna rito, nalagay sa “hot seat” si Diokno  nang aminin nito na hindi kinonsulta ang economic team ukol sa price ceilings para sa regular milled at well-milled rice varieties.

 

 

Ang naturang usapin ang dahilan kung bakit nasipa sa puwesto si Finance Undersecretary Cielo Magno, matapos nitong batikusin  ang pagpapataw at pagpapatupad  ng  rice price ceiling.

 

 

Sinabi ng Malakanyang na ang  terminasyon ng kanyang appointment ay “expected,” sabay sabing “clearly does not support the administration and its programs for nation building.”

 

 

Sa kalaunan, sinabi ni Diokno na suportado ng economic team ang price cap sa bigas. (Daris Jose)

Other News
  • DILG gusto mailagay buong Pilipinas sa Alert Level 1

    IMINUMUNGKAHI  ngayon ng Department of the Interior and Local Goverment (DILG) na ilagay sa pinakamaluwag na COVID-19 restrictions ang Pilipinas para lalong makabawi ang ekonomiya sa epekto ng lagpas dalawang taong pandemya.     Marso 2020 pa nang magsimulang magpatupad ng mga restrictions ang gobyerno sa pamamagitan ng iba’t ibang lockdowns at limitasyon sa mga […]

  • Arayi, Lim sa WNBL Draft

    MAY dalawang beteranang kasapi ng Philippine women’s basketball team o Gilas Pilipinas women ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa bagong panganak na pro Women’s National Basketball League (WNBL) Draft para sa buwang ito.   Ang isa ay si Ewon Arayi, na kasalukuyang coach ng Adamson University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at […]

  • Pinas, US foreign affairs, defense secretaries magpupulong sa Washington

    MAGDARAOS ang mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ng Pilipinas at Estados Unidos ng high-level meeting sa Washington sa darating na Abril.     Layon nito na palakasin ang kanilang  political at military engagement sa harap ng posisyon ng China sa South China Sea.     Sinabi […]