• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Duque, may karapatan sa due process sa harap ng ibinabatong akusasyon laban sa kanya

HINDI dapat ipagkait kay DOH Secretary Francisco Duque lll ang karapatan nito na mabigyan ng due process sa gitna ng mga kinakaharap nitong kontrobersiya.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na amoy pa lang ng korupsiyon ay may ipapataw ng aksiyon sa mga nadadawit sa iregularidad.

Ani Sec. Roque, kahit sino naman ay may karapatan sa due process at mula duon ay maaaring madetermina kung may kinalaman nga ang isang akusado sa isang ibinabato ditong alegasyon.

“Well, I think everyone is accorded the right to due process and that’s why he created the task force ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

Sa katunayan ay ito aniya ang dahilan kaya nagpabuo ng Task Force ang Chief Executive na sisilip sa mga isinasangkot sa PHILHEALTH controversy na nito lamang nakaraang hearing sa Senado ay tinawag na Godfather of PHILHEALTH Mafia si Duque.

Batay na rin ito sa deskripsiyon ni dating PHILHEALTH anti-fraud officer Thorrsson Montes Keith. (Daris Jose)

Other News
  • Gustong maka-collab si Jung Kook ng BTS: SARAH, gumawa ng history sa ‘Billboard Women in Music Awards 2024’

    GUMAWA ng history si Pop Superstar Sarah Geronimo bilang first Filipino na pinagkalooban ng “Global Force Award” sa Billboard Women in Music Awards 2024.   Naganap ang naturang event noong March 7, na idinaos sa YouTube Theater, Inglewood, California.     Ka-level ni Sarah G sa natanggap na parangal mula sa Billboard Women in Music […]

  • Espiritu aminadong umaalingasaw trade

    INAMIN ng tatlong agent-manager ng mga player na bukas lahat ang 12 team sa mga palitan ng mga manlalaro bilang pagpapalakas para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.   Nagkakaisa sa pahayag sina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja ,na anila’y lahat ng mga […]

  • PMA topnotcher, nagbigay pugay sa 2 ‘mistah’ na nasawi

    HINDI nakalimutan ni Cadet Warren Leonor, ang Philippine Military Academy (PMA) ”Madasigon” class valedictorian na magbigay pugay at parangal sa dalawa nilang “mistah” na nasawi.     Sa valedictory address, binanggit ni Leonor sina Darwin Dormitorio at Mario Telan Jr., na kanyang nakasama noong freshmen o plebo pa lamang sila.     Ayon kay Leonor, […]