Sec. Duque, sinalungat ang isyu na humuhupa na ang banta ng CoVid -19 sa bansa
- Published on February 15, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ni Health Sec Francisco Duque ang ulat na unti -unti nang humuhupa ang banta ng CoVid 19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo
Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ng kalihim na hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang lahat
Kasama sa mga tinukoy ni Duque na dapat pang tingnan ang mga kaso at sitwasyon sa lalawigan ng Hubei at iba pang bahagi ng China gayundin sa mahigit 20 pang bansa na nagkaroon ng kaso ng CoVid 19
Maging ang pagpasok ng panahon ng tag-init sa Marso ay hindi rin tiyak kung ano ang magiging epekto sa transmission o pagkalat ng nasabing virus
Dahil naman sa nagkaroon na ng local transmission sa ibang bansa ng CoVid 19, ito ang pinaghahandaan ng pamahalaan upang matugunan sakaling magkaroon ng katulad na pangyayari sa bansa. (Daris Jose)
-
P4.5 bilyong confidential, intel funds ng Office of the President mananatili
MAAARING manatili na lamang ang P4.5 bilyon na panukalang confidential at intelligence funds (CIFs) ng Office of the President (OP). Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, ito ay sa sandaling amyendahan ng Senado ang panukalang P5.268 trilyong 2023 General Appropriations Bill (GAB). Idinagdag pa ni Angara […]
-
‘Mag-ipon sa bangko, sa halip na sa alkansya’ – BSP
HINIMOK ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isaayos ang pag-iipon ngayong panahon ng pandemya. Lumalabas kasi na marami ang nag-iipon ngunit nakalagay lamang ito sa mga piggy bank, jar o anumang container sa mga bahay. Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, maliban sa hindi ito nakakatulong sa pagpapalago […]
-
Putin, nagpadala pa ng halos 100% forces ng pre-staged forces sa Ukraine – US official
NAGPADALA pa ng karagdagang pwersa ng Russia sa Ukraine si Russian President Vladimir Putin. Ayon sa isang senior US defense official, ito halos nasa 100 porsyento ng higit sa 150,000 na pwersang naunang itinalaga ni Putin sa labas ng nasabing bansa bago pa man nito isinagawa ang pananalakay. Samantala, ipinag-utos namn […]