• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SEC, magtatatag ng bagong dibisyon para i-monitor ang mga financing, lending firms

NAKATAKDANG magtatag ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng bagong dibisyon na tututok sa financing at lending firms bilang bahagi ng pagbuwag laban sa abusadong lenders alinsunod sa Lending Company Regulation Act (LCRA).

 

 

Ayon sa Department of Finance (DOF), iniulat ng SEC na nakatuon ang pansin nito sa kampanya ukol sa mga abusadong lending firms matapos na makatanggap ito ng reklamo hinggil sa abusive collection practices na kinasasangkutan ng pagbabanta o insulting borrowers.

 

 

Nagtayo na aniya ang SEC ng online team na magsasagawa ng “sweeping operations and monitors complaints,” at magrerebisa ng social media platforms para i-check ang posibleng pang-aabuso o illegal lending practices.

 

 

Sinabi pa ng SEC, na binawi nito ang registration ng 2,081 firms, at nagawang i- convict ang 76 indibiduwal sa 8 kaso para sa paglabag sa LCRA.

 

 

Nagpalabas din ito ng cease and desist orders laban sa 73 online apps, at kinansela ang lisensiya ng 36 financing o lending companies.

 

 

Ang paglansag sa mga abusadong lending firms ng SEC ay sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police, na kamakailan lamang ay nakakuha ng “warrant to search, seize, and examine” ang computer records ng Cashtrees Lending Corp. sa tanggapan nito sa Pasay City.

 

 

Mahigit 45 manggagawa ng kumpanya kabilang na ang isang Chinese national, ang naaresto noong nakaraang buwan dahil di umano’y sa pangha- harass at pagbabanta sa kliyente na walang kakayanan na magbayad ng utang sa itinakdang panahon.

 

 

Kapwa naman na binalaan ng SEC at National Privacy Commission (NPC) ang mga naturang kompanya laban sa “unfair debt collection practices.”

 

 

“Such practices included sending violent threats, using harsh words, disclosing the name and other personal information of the borrower in public, and messaging or calling the people on the contact list of the borrower without his/her consent,” ayon sa SEC.

 

 

Ang mga lending firms na mahuhuli na gumagawa ng ganitong methods ay pagmumultahin ng P25,000 hanggang P1milyong piso, bukod pa sa pagpapawalang-bisa sa kanilang certificate of authority para mag- operate. (Daris Jose)

Other News
  • COA kinuwestyon ang kakulangan ng ayuda ng DA sa mga magsasaka

    TINUKOY ng Commission on Audit (COA) ang ilang kuwestyunableng pamamahagi sana ng Department of Agriculture (DA) ng mga fertilizers, livestock, feeds at ilang agricultural products bilang ayuda sa mga magsasaka sa panahon ng pananalasa ng COVID-19.     Ang report ng COA ay bilang bahagi ng pagsasailaim nila sa annual audit noong nakarang taon sa […]

  • AMERIKANO, INARESTO SA MONEY LAUNDERING AT THEFT SA TAGUIG

    NAARESTO ng mga operatiba ng  Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted ng awtoridad ng US federal dahil sa money laundering at theft.     Kinilala ni  Immigration Commissioner Jaime Morente ang wanted na si Renato Rivera Cuyco Jr., 48, na inaresto ng mga ahente ng BI’s fugitive search unit sa isang […]

  • Vhong Navarro, kalaboso na sa Taguig jail

    NAILIPAT na noong Lunes sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City ang aktor na si Vhong Navarro buhat sa kanyang pagkakadetine sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI).     Nakadetine ngayon sa Male Dormitory ng BJMP Taguig City Jail si Navarro makaraang lumabas na ang kaniyang […]