Sec. Roque, ipagbibigay-alam sa DBM ang paubos na passport revolving fund
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
IPAGBIBIGAY-ALAM ni Presidential spokesperson Harry Roque kay Budget Secretary Wendel Avisado ang ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang passport revolving fund ng bansa ay paubos na.
“I will bring this matter up also to [Budget] Secretary [Wendel] Avisado,” ayon kay Sec. Roque.
Gayunpaman, tiwala naman si Sec. Roque kay Locsin na makahahanap ito ng pondo.
Sa Twitter post kasi ni Locsin, Miyerkules ng gabi ay sinabi nito na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makahanap ng pera para i- replenish o punan o dagdagan ang pondo lalo pa’t ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay mayroong utang na P388 million sa passport printing contractor APO Production Unit, Inc, isang state-run firm.
Napag-alaman ng Kalihm na ang pondo ay ‘kinain” ng travel allowances, insurance at miscellany.”
Ang passport revolving fund ay mula sa bayad na kinolekta para sa processing at issuance ng passports “requiring special consideration, waiver, or issuance beyond regular office hours.”
Samantala, ayon naman sa Philippine Passport Act of 1996 (Republic Act 8239), ang pondo ay maaaring gamitin ng DFA para sa pagsasaayos ng “passporting at consular services” maliban na lamang para sa pagbabayad ng travel at transportation allowances.
-
Kontra-galis program, inilunsad sa Manila City Jail
INILUNSAD sa male dormitory ng Manila City Jail ang kampanyang kontra galis o mass scabies treatment program para tugunan ang problema sa sakit sa balat ng mga person deprived of liberty. Katuwang ng MCJ Male Dorm ang International Committee of the Red Cross para mapahusay ang kalagayan ng mga PDL at mga pasilidad […]
-
Sofia, nag-post na ng pasasalamat at pamamaalam sa ‘Prima Donnas’
NAG-POST ang Kapuso teen actress na si Sofia Pablo via Instagram ng kanyang pasasalamat at pamamaalam sa GMA teleserye na Prima Donnas. Hindi na nakakasama si Sofia sa fresh episodes ng naturang teleserye dahil pinagbabawal ang below 15 years old na mag- taping bilang pagsunod sa safety and health protocols na galing sa DOLE […]
-
DA, nagpaliwanag sa pagbaba ng suplay ng kamote sa PH; taas-presyo, pansamantala lamang
NAGPALIWANAG ang Department of Agriculture sa kakulangan ng suplay ng kamote sa Pilipinas. Ayon kay DA Undersecretary Domingo Panganiban, talagang nagkukulang ang suplay ng kamote kapag panahon ng tag-ulan dahil hindi masyadong lalaki ang mga ito. Subalit pagsapit naman aniya ng buwan ng Oktubre, Nobiyembre at Disyembre inaasahan na tataas na […]