Sec. Roque, matapang na hinamon ng debate si VP Leni
- Published on May 12, 2021
- by @peoplesbalita
MATAPANG na hinamon ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Vice-President Leni Robredo ng isang debate.
Ang dahilan ni Sec Roque, isa rin kasi sa maingay si VP Leni sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Sinabi kasi ni VP Leni na magkakaroon sana ng magandang diskurso sa publiko kung natuloy ang debate sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio patungkol sa mga isyu sa West Philippine Sea.
“Ang problema po, baka sabihin na naman ni Antonio.. ni Justice Carpio hindi ako pupuwede dahil abogado ka lang ordinaryo, ako naging mahistrado. Si VP Leni, wala rin pong pigil sa pagpupula kay Presidente pagdating sa West Philippine Sea. So, dahil wala rin naman pong tigil si VP Leni baka kung gusto niya kaming dalawa na lang para dormate vs dormate,” ayon kay Sec.Roque.
“Magka-dormitoryo po kami niyan ni VP Leni, magkaibigan po kami niyan. puwedeng mag-debate ang mga kaibigan. So, kung ayaw po ni Justice Carpio kasi ang tingin ko.. iyong subject matter ni Antonio Carpio talagang ayaw niyang mag-debate kasi imposibleng pag-debatehan iyon mga hindi naman sinasabi n Presidente,” dagdag na pahayag nito.
Ang magiging paksa ay kahalintulad ng paksa patungkol sa mga isyu sa West Philippine Sea na nais nitong gamiting pan-debate kay dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.
“Same topic. Ito bang polisiya na panglabas ni Presidente na indipendiyente na panglabas na polisiya. Ito ba ay nagresulta sa pagkabawas ng soberenya ng Pilipinas? O di naman kaya ay nagresulta sa kawalan ng teritoryo. Iyan po ang proposition kasi paulit-ulit na lang na sinasabi interrogation of sovereignty, giving away territory. Iyan po ang pag-debatehan. Puwede rin po na silang dalawa ni Justice Carpio magkasama. Isama na rin nila si dating DFA Sec. Albert Del Rosario ,” anito.
At sa tanong kung saan naman sila magde-debate ni VP Leni ay sinabi ni Sec.Roque ay gawin ito sa dormitoryo nila sa UP.
“Kung gusto niya , doon sa Kalayaan dormitory kung saan kami nanirahan ng isang taon,” ani Sec.Roque.
Samantala, binira ni Sec.Roque ang pahayag ni VP Leni na maliliwanagan sana ang mga tao sa ilang isyu sa West Philippines Sea kung mayroon ganitong public discourse kung matutuloy ang one-on-one debate ni Pangulong Duterte at Carpio.
“Ang importante po ay ang debate VP. So, kung papayag po si retired Justice Antonio Carpio.. mag-debate po kami. Mayroon bang polisiya ang ating Presidente Duterte na namimigay ng teritoryo sa China? Dahil ang pag-amin nga po ni Justice Carpio ay nawala ang Scarborough Shoal sa administrasyon ni Presidente Aquino dahil nga po sa mga orders na ginawa ng dating Secretary of Foreign Affairs Albert Del Rosario. Pag-debatehan po natin iyon,” ani Sec. Roque.
“Kung talagang ayaw ni Associate Justice na makipag-debate sa ordinaryong abogado gaya ko dahil siya ay dating mahistrado ng Supreme Court.. TAYO po mag-debate po tayo kasi gaya po ni Associate Justice Carpioo.. wala rin kayong tigil sa pagsasabi na namimigay ng teritoryo ang Presidente. Once and for all, mayroong dapat tumayo sa hanay ng oposisyon para mag-debate kung talagang ang Presidente Duterte ang namimigay ng teritoryo sa China or kung ibang mga administrasyon.,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Sa ulat, kinuwestyon din ni VP Leni na tila pinapalabas nina Sec. Roque at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na si Carpio ang naghahamon sa Pangulo.
Binanggit din ng Bise Presidente ang ilang social media memes na tila si Carpio ang umatras sa debate.
Una nang sinabi ni Carpio na kakasa siya sa hamon na debate pero imbes ang Pangulo ang kanyang makakaharap ay si Roque ang makakatapat nito.
Samantala, na-trending sa Twitter ang hashtag #DuterteDuwag matapos mag-back out ang Pangulo sa debate
Pero sagot ni Panelo, ang pag-atras ng Pangulo ay hindi nangangahulugang duwag na siya, ayaw lang nilang samantalahin ito ni Carpio para sa media mileage. (Daris Jose)
-
Sa naging performance sa ‘Rock in Rio Music Festival’: ARNEL, ipinagtanggol ng mga miyembro ng bandang ‘Journey’
KAYA pala biglang hindi na naging aktibo sa showbiz ang dating Kapuso teen actor na si Ralph Noriega ay dahil nagtayo ito ng sarili niyang negosyo kasama ang kanyang girlfriend. “Mas pinagkakaabalahan ko po ‘yung business namin ng girlfriend ko which is ‘yung Within The Box Woodworks & Design Co. We specialize in […]
-
2 drug suspects tiklo sa P64K droga sa Caloocan at Malabon
SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P60K halaga ng droga makaraang matimbog sa Caloocan at Malabon Cities. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 9 sa kahabaan ng Arseña St. Bagumbong […]
-
DEPLOYMENT NG MGA HEALTH WORKERS, IREREKOMENDA
IREREKOMENDA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magdagdag ng deployment cap ng mga healthcare workers overseas kasunod ng apela ng Medical Technology Group. Maaalala na ipinataw ang pansamantalang 5,000 deployment cap noong nakaraang taon upang hindi maubusan ng health workers sa bansa na tutugon sa gitna ng pandemya. […]