Sec. Roque, nananatiling malusog at wala umanong anumang sintomas ng Covid-19
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
NANANATILING nasa maayos ang pangangatawan at walang nararamdaman na anumang sintomas ng Covid-19 si Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kamakailan kasi ay nakasalamuha ni Sec. Roque ang kanyang staff na nagpositibo sa covid19.
Aniya, tanging precautionary measure o pangangalaga sa katawan ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ngayon upang masiguro na nananatiling nasa maayos na kondisyon ang kanyang kalusugan.
Subalit, technically aniya ay wala siyang close contact sa kanyang staff na nagpositibo sa virus.
Ito aniya ay dahil sa kahit nasa iisang sasakyan lamang sila ng kanyang mga staff sa loob ng halos apatnapung(40) minuto noong linggo, ay lagi naman suot ang kanyang Face mask at face Shield para masigurong ligtas laban sa Covid-19.
-
Kahit na aktor din at producer sa pelikula: ALDEN, pangangatawan na talaga ang pagiging direktor
KALOKA ‘yung manonood lamang si Jaya ng concert ni Regine Velasquez sa California ay naksidente pa ang Queen of Soul at ilang mga kaibigan. Si Jaya mismo ang nag-post at nagkuwento kung ano ang nangyari sa pamamagitan ng kanyang Instagram account Sa Napa Valley, California naganap ang pagbangga ng isang sasakyan sa kanilang sinasakyang […]
-
Pagrepaso sa K-12 program aarangkada ngayong Enero
SISIMULAN na ngayong Enero ang pagrepaso sa K to 12 program at sa buong basic education system sa bansa ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). Ayon kay Sen. Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Education, may 10 taon ang binigay ng kongreso sa EDCOM II para pag-aralan ang buong educational […]
-
Romualdez, nabahala sa pagsara ng Kuwait ng border sa mga Pinoy
NABAHALA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa biglaang pagsasara ng bansang Kuwait ng border nila sa mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong nagdaang araw lang. Ipatatawag ni Speaker Romualdez ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang alamin kung ano ang dahilan ng aksyon ng Kuwait. […]