Secretary Rex kay VP Sara: Mga bata dapat proteksyunan ‘di mga nang-aabuso
- Published on August 28, 2024
- by @peoplesbalita
NANININDIGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat lang na pagkalooban ng proteksiyon ang mga bata laban sa mga pang-aabusong pisikal at sekswual.
Hindi mananahimik ang ahensiya sa gitna ng mga seryosong akusasyon laban kay Apollo Quiboloy na nahaharap ngayon sa mga kaso ng human trafficking, sexual exploitation at pang-aabuso sa mga menor-de-edad lalu na’t hindi kayang proteksiyunan ng mga bata ang kanilang sarili.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, palagi ng sinasabi ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr. na labis siyang naaapektuhan sa kinakaharap na pagdurusa ng mga inosente at paulit-ulit ding binabanggit na wala ng iba pang mas masakit kundi makita ang mga batang dumaranas ng pagdurusa, pasakit at walang nakikitang pag-asa sa buhay na kanila ring nadarama upang bigyang pansin ng ahensiya ang mga ganitong uri ng sitwasyon.
Dahil dito, naninindigan ang DSWD sa kapakanan ng mga biktima at nangakong matiyak na maibibigay ang wastong katarungan sa mga naaapi, at marinig ang kanilang tinig.
Nanawagan din ang ahensiya sa bise president at sa iba pang mga lider na makiisa sa pagkakaloob ng proteksiyon sa bawa’t batang Filipino at suportahan ang proseso ng katarungan na kasalukuyang umiiral upang maihatid sa hukuman ang may kagagawan.
Nais din ng DSWD na lahat ng mga namununo at mamamayan ay sumuporta sa legal na proseso sa paghahanap ng hustisya ng mga inosenteng biktima at maparusahan kung sino ang may sala.
Naninindigan ang ahensiya sa pangako ng Pangulong Marcos, Jr. na lumikha ng magandang kinabukasan para sa mga batang mamamayang Filipino at walang maiiwang mag-isa na magdurusa. (Daris Jose)
-
‘Walang patawad, areglo sa korap’- Duterte
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papatawarin at hindi maaaring aregluhin ang mga kaso ng korapsiyon. Ayon sa Pangulo, ka-tulad ng droga, walang dapat pinapaboran pagdating sa korapsiyon dahil galit siya sa mga nasabing isyu. “I do not forgive cases sa mga corruption. Wala talaga. Walang areglo, wala lahat. No quarters […]
-
Djokovic umatras na sa pagsabak sa Indian Wells at Miami Open
UMATRAS na sa paglalaro sa Indian Wells at Miami Open si Serbian tennis star Novak Djokovic. Ito ay dahil sa paghihigpit na US sa panuntunan laban sa COVID-19. Nakasaad kasi sa panuntunan ng nasabing torneo na dapat ipakita ng mga manlalaro ang kanilang katibayan na sila ay naturukan na ng COVID-19 […]
-
Pukpukan na sa UAAP 2nd round
PAPASOK na ang UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa krusyal na second round. Kaya naman inaasahang mas magiging matinding bakbakan ang masisilayan dahil unahan na ang lahat ng teams para makapasok sa Final Four. Magsisimula ang second round bukas tampok ang salpukan ng reigning champion Ateneo at La Salle sa […]