• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Security cooperation kasama ang Estados Unidos, saklaw ng economic tie up

KAPWA pino-proseso na ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagsusuri sa kung paano pa nila mapapabuti ang kakayahan at  pagtutulungan saklaw ang  military, politikal at ekonomiya.

 

 

Tinanong kasi ang Pngulo ukol sa bagong commitment ng Estdos Unidos sa pagtulong na matamo ang kapayapaan sa West Philippine Sea matapos bisitahin ang  United States Indo-Pacific Command (Indopacom) sa Honolulu, Hawaii.

 

 

“Well, again, it’s a process. We are in the middle of many assessments, many discussions kung (on) how we can improve our capabilities, how we can improve our coordination with the US, not only in the military, but also the political leadership,” ayon sa Pangulo.

 

 

“That encompasses not only security concerns, but also economic concerns because the thinking in this day is that you cannot be strong and you cannot be able to defend yourself if you are economically weak,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Both sides are working based on that premise.”

 

 

Ani Pangulong Marcos, napag-usapan  din ang seguridad, commitment sa ekonomiya, investments at  public private partnership (PPP).

 

 

Partikular na tinukoy nito ang pagdalo sa  Asia Pacific Economic Cooperation Leaders’ Meeting sa San Francisco, California, na aniya’y nangibabaw sa pag-uusap ukol sa teknolohiya.

 

 

“Karamihan ‘yung meeting namin was about technology and with tech companies. Bagay kasi nandyan ka na. San Francisco, Silicon Valley is just nearby. So we were able to do that,” ayon sa Pangulo.

 

 

“We were able to come to terms on some significant projects, programs that we would like to undertake in the Philippines. We talk about it so much about digitalization, about cybersecurity. And we made a lot of progress on this trip to make that part, that sector of our economy, that sector of our country a better one, a stronger one and a safer one,” aniya pa rin.

 

 

Nauna rito, binisita ni Pangulong  Marcos ang United States Indopacom Headquarters kung saan inilatag sa kanya ang “regional situation at security objectives” ng Estados Unidos at Pilipinas.

 

 

Si Admiral John Aquilino, Indopacom commander ang nagbigay sa Pangulo ng itinakdang briefing hinggil sa  kalagayan ng  Indo-Pacific, US Indo-Pacific Strategy at ang  “corresponding role” ng  Indopacom, at ang kakayahan na maaaring ibigay ng Estados Unidos sa Pilipinas bilang suporta sa “common security objectives” nito. (Daris Jose)

Other News
  • Matapos nakumpirmang hiwalay na: BEA, balitang binalik na ang ‘engagement ring’ nila ni DOMINIC

    SA harap ng mga espekulasyon, sinabi ng TV host na si Boy Abunda na hiwalay na nga sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Inihayag ito ni Tito Boy sa kaniyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” noong nakaraang Martes. “Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol […]

  • Luke 2:11

    A Savior has been born for you.

  • Sixers Joel Embiid nagtala ng kasaysayan matapos tanghalin bilang scoring champion sa NBA

    OPISYAL nang kinilala ng NBA ang Philadelphia 76ers superstar na si Joel Embiid bilang scoring champion.     Sa huling game ngayong araw bilang regular season finale nakapagtala ng average na career high sa 30.6 points per game si Embiid.     Naging dikitan ang agawan nina Embiid sa titulo kay dating NBA MVP na […]