• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SECURITY GUARD, 2 PA TIKLO SA P6.9M DROGA SA CALOOCAN

MAHIGIT P6 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong sa drug suspects, kabilang ang 35-anyos na security guard matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcemt Group (PNP-DEG) Chief P/Lt. Col. Richard Ian Ang ang naarestong suspek na si alyas “Sahibad” ng Brgy. Potrero, Malabon City.
Alas-11:45 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng PDEG SOU3 sa pangunguna ni P/Lt. Homer Guiamalon, kasama ang SOU-NCR at Caloocan City Police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ruben Lacuesta sa joint buy bust operation sa General Simon St., Brgy. 81.
Nakumpiska sa suspek ang aabot isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000.00, buy bust money, weighing scale, cellphone, wallet, P650 cash at ID.
Nauna rito, alas-9:40 ng gabi nang matimbog naman ng mga operatiba ng DDEU-NPD sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora sa buy bust operation sa Masipag St.,  Brgy. 145, Bagong Barrio sina alyas “Carla”, 32, at alyas “Edison”, 40, kapwa ng Brgy. 145.
Sa ulat ni DDEU Chief P/Major Jeraldson Revira kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakuha sa mga suspek ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na kahalagang P102,000.00 at buy bust money habang ang isang caliber 38 revolver na kargado ng apat na bala ay nakumpiska kay ‘Edison’.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag RA 9165 habang karagdagan pang kasong paglabag RA 10591 ang kakaharapin ni ‘Edison’. (Richard Mesa)
Other News
  • Kasama ang charot, kilig at grabe… HEART, happy na nag-share ng six favorite Tagalog words

    HAPPY na nag-share si Heart Evangelista ng six favorite Tagalog words niya during sa cover shoot ng Harper’s Bazaar Singapore.     Sa IG ng naturang mag, pinost ang video ni Heart na parang tinuturo sa kausap niya ang ilang Tagalog words. Una rito ay ang “Charot.”   “Charot, meaning like C-H-A-R-A-U-G-H-T, like it’s more […]

  • AYALA MALLS CINEMAS’ A-LIST SERIES PRESENTS FDCP WORLD CINEMA FESTIVAL FEATURING A SLATE OF CRITICALLY-ACCLAIMED FILMS FROM ACROSS THE GLOBE

    AYALA Malls Cinemas’ latest A-List Series exclusively presents a solid gem of feature films from prestigious festivals around the globe that will run on August 23 – 29, in partnership with the FDCP (Film Development Council of the Philippines), led by Chairman Tirso Cruz III.       Advocating for a rich cinematic experience, Ayala […]

  • Pilot episode ng ‘Family Feud’, nakakuha ng mataas na rating… DINGDONG, naipasyal na rin nila ni MARIAN ang mga anak na sina ZIA at SIXTO

    CONGRATULATIONS to Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil ang world premiere ng bago niyang show, which he is hosting, ang “Family Feud Philippines” ay nakakuha ng mataas na rating kaysa dalawang kasabayan niyang programa sa ibang network, last Monday, March 21. Hinintay naman ng mga viewers ang pilot telecast ng show na minsan nang nai-host […]