Security guard na namatay sa Ateneo shooting, pararangalan ng PNP
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
PARARANGALAN ng Philippine National Police (PNP) ang security guard na kabilang sa tatlong napatay sa pamamaril sa Ateneo de Manila University.
Gagawaran ng PNP ng Medalya ng Katangi-tanging Asal or outstanding conduct award si Jeneven Bandiala dahil sa kaniyang katapangan at kabayanihan.
Sinabi ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon na ang Civil Security Group ay nakikipag-ugnayan sa pamilya ng Bandiala para sa paggawad ng parangal.
Kung maaalala, kabilang si Bandiala sa mga binaril ni Chao Tiao Yumol, isang doktor, sa Ateneo campus noong Hulyo 24.
Napatay din sina dating Lamitan, Basilan mayor Rosita Furigay at ang kanyang executive assistant na si Victor Capistrano.
Nasugatan ang anak ni Furigay sa insidente.
Sinabi ni De Leon na magbibigay din ang PNP ng tulong pinansyal sa pamilya ni Bandiala.
Si Yumol ay nakakulong sa kasong murder, frustrated murder at malicious mischief. (Daris Jose)
-
Gilas Pilipinas tututok na sa FIBA Asia Cup
SESENTRO na ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup na aarangkada sa Hulyo 12 hanggang 24 sa Jakarta, Indonesia. Magarbong tinapos ng Pinoy squad ang third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan pinataob nito […]
-
Pagbisita ng mga magulang at anak ni Mary Jane Veloso sa Indonesia, naudlot
TULUYAN nang naudlot ang pagbisita sana ng pamilya ng Filipina death row convict na si Mary Jane Veloso sa Indonesia matapos makansela ang kanilang dapat sana’y biyahe patungo sa nasabing bansa para makita at mabisita si Mary Jane. “Kami, mga magulang at anak ni Mary Jane ay nanghihinayang na hindi kami matutuloy sa […]
-
Pagrepaso sa K-12 program aarangkada ngayong Enero
SISIMULAN na ngayong Enero ang pagrepaso sa K to 12 program at sa buong basic education system sa bansa ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). Ayon kay Sen. Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Education, may 10 taon ang binigay ng kongreso sa EDCOM II para pag-aralan ang buong educational […]