Security guard patay sa sunog sa Valenzuela
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG security guard ang namatay habang malubha naman ang lagay ng kasama nito matapos sumiklab ang sunog sa isang factory at warehouse sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Ang katawan ni Joselito Pelic ay nakuha mula sa natupok na factory ng Gilvan Packaging Corporation habang ang kanyang kasama na kinilalang si Nestor Purtisano, 47, ay nagtamo ng 2nd degree burn at isinugod sa East Avenue Medical Center kung saan ito ginagamot.
Ayon kay Valenzuela Fire Marshall Supt. Marvin Carbonell, ang sunog na hindi pa malaman ang pinagmulan ay sumiklab dakong alas-4:41 ng madaling araw sa warehouse ng Stronghand Inc, isang kumpanya na nakikibahagi sa manufacture at distribution ng mga bala at paputok na matatapuan sa 559, Paso de Blas West Service Road.
Sinabi pa ni Carbonell na sa kabutihang palad, ang kumpanya ay may kaunting stock ng mga kemikal at raw materials na inilaan para sa paggawa ng bala at mga paputok.
Gyunman, mabilis na kumalat ang apoy sa katabing factory ng Gilvan Packaging Corporation na may nakaimbak na mga plastic material, na nagresulta sa pagkamatay at pagkapinsala sa mga security guards nito.
Iniakyat ang sunog sa ikatlong alarma bago tuluyang idineklarang fire out dakong alas-6:32 ng umaga at tinatayang nasa P3,000,000.00 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy. (Richard Mesa)
-
Plastic barrier sa PUVs, aalisin na – DOTr
Hindi na nire-require ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng plastic barriers sa loob ng mga public utility vehicles (PUVs) bilang dibisyon ng mga pasahero. Ito’y matapos itaas na sa 70% seating capacity ang mga PUV. Ayon kay Transportation Assistant Secretary for road transport Mark Steven Pastor, maaari nang […]
-
Fajardo inakay ang Gilas sa panalo
NAITAKAS ng Gilas Pilipinas ang dikit na 76-73 panalo kontra sa karibal na Thailand sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games 5-on-5 basketball kagabi sa Thanh Tri Gymnasium sa Hanoi, Vietnam. Maagang naiwan sa 10-point deficit ang Nationals bago sumandal kay June Mar Fajardo upang agawin ang manibela at diskarilin ang muntikang comeback […]
-
NBA Hall of Famer Dikembe Mutombo pumanaw na, 58
PUMANAW na ang NBA Hall of Famer Dikembe Mutombo sa edad na 58. Kinumpirma ni NBA Commissioner Adam Silver ang pagpanaw ni Mutombo dahil sa brain cancer. Sinabi ni Silver na hindi makakalimutan ang pagiging magaling ni Mutombo sa depensa lalo na sa pagiging greatest shot blockers at defensive players sa […]